Zen

Ang Zen, na maaari ring isulat bilang Sen o Tsen, ay isang paaralan ng Budismong Mahāyāna.[2] [3]

Ang salitang Zen ay buhat sa pagbigkas sa Hapones ng Panggitnang wikang Intsik na salitang 禪 Dzyen (na sa makabagong Mandarin ay Chán), na hinango naman mula sa salitang Sanskrit na dhyāna, na tinatayang maisasalinwika bilang "pagsipsip" (absorpsiyon) o "kalagayang meditatibo" (katayuang nagbubulay-bulay).[4]

Binibigyang diin ng Zen ang pangkaranasang karunungan sa pagkakamit ng pagkamulat. Bilang ganyan, hindi nito binibigyan ng diin ang kaalamang teoretikal bilang pagbibigay ng pabor o pagkiling sa tuwirang pagpapatotoo ng sarili sa pamamagitan ng pagninilay o meditasyon at pagsasagawa ng dharma.[5] Kabilang sa mga pagtuturo ng Zen ang sari-saring mga pinanggalingan ng kaisipang Mahāyāna, kasama na ang panitikang Prajñāpāramitā, ang Madhyamaka, ang Yogācāra at ang mga Sutrang Tathāgatagarbha.

Nang nakaraang mga siglo, naimpluwensiya ang Zen ng Taoismo. Kaya simple at kompakto ang mga bagay sa Zen. Ang pilosopiya ng Zen ay laganap sa mga arte ng Hapon, bilang ang haiku at ikebana.

Binibigyang diin sa Zen ang di-logosentrikong pag-iisip (Ingles: non-logocentric thinking) o kaya pag-iisip na hindi sentro ang mga salita. Ginagamit ang mga paradohang imahen. Kung may salita, ginagamit ang mga kōan, paradohang pangungusap o tanong, sa meditasyon para wasakin ang rasyonalidad.

Mga larawan

Mga sanggunian