Viva Films
Ang Viva Films ay isang kompanyang pamproduksyon ng pelikula sa Pilipinas na itinatag noong Nobyembre 11, 1981. Nasa ilalim ng Viva Communications Inc. ang Viva Films.[1][2] Nagsimula ang kompanya nang naghahanap ang noo'y Alkalde ng Lungsod ng Pasay na si Pablo Cuneta ng kasosyo para i-prodyus ang ikalawang pelikula ng kanyang anak na si Sharon Cuneta at si Vic del Rosario na humahawak sa karera ni Sharon sa pag-awit ang nahanap niyang maging kasosyo.[3] Naitatag ang Viva Films sa sosyohan na ito para gawin ang P.S. I Love You na pinagbidahan ni Sharon at katambal niyang si Gabby Concepcion.[3]
Uri | Subsidiyaryo |
---|---|
Industriya | Pelikula |
Itinatag | Lungsod Quezon, Pilipinas (11 Nobyembre 1981 ) |
Nagtatag | Vicente del Rosario Jr. |
Punong-tanggapan | , Pilipinas |
Pinaglilingkuran | Buong mundo (pangunahin sa Pilipinas) |
Pangunahing tauhan | Vicente G. del Rosario III (tagapangulo ng lupon at punong opisyal ng tagapagpagnap) Veronique del Rosario-Corpus |
Produkto | Pelikula |
May-ari | Viva Communications |
Magulang | Viva Communications |
Noong unang limang taon ng kompanya, naging estratehiya nila ang pagkuha ng mga karapatang-ari ng ibang lokal na prodyuser, at nakakuha sila ng 500 lokal na titulo sa ibang prodyuser na binubuo ng 40% ng kanilang koleksyon na mga gawa.[4] Sa dami ng kanilang mga koleksyong pelikula, kumikita sila sa paglilisensya ng mga ito sa ibang mga plataporma tulad ng mga himpilan ng kaybol na PBO at Cinema One.[4] Nagkaroon din sila ng kasunduan sa ibang kompanyang produksyon tulad ng GMA Pictures[5] at Globalgate Entertainment, na pinamumunuan ng Amerikanong kompanyang produksyon na Lionsgate.[1]
Tala ng mga pelikula ayon sa laki ng kita
Ranggo | Pamagat | Taon | Kita sa takilya (tinatayang halaga) | Mga pananda | Sang. |
---|---|---|---|---|---|
1 | Gandarrapiddo: The Revenger Squad | 2017 | ₱571,000,000 | kasamang i-prinodyus sa Star Cinema | [6] |
2 | Beauty and the Bestie | 2015 | ₱526,000,000 | [7] | |
3 | The Amazing Praybeyt Benjamin | 2014 | ₱440,000,000 | [8] | |
4 | Miracle in Cell No. 7 | 2019 | ₱475,000,000 | ||
5 | Girl, Boy, Bakla, Tomboy | 2013 | ₱421,000,000 | kasamang i-prinodyus sa Star Cinema | [9] |
6 | It Takes a Man and a Woman | 2013 | ₱405,000,000 | [10] | |
7 | Sisterakas | 2012 | ₱393,000,000 | [11] | |
8 | The Mall, The Merrier | 2019 | ₱338,000,000 | ||
9 | The Unkabogable Praybeyt Benjamin | 2011 | ₱331,000,000 | [12][13] | |
10 | Kita Kita | 2017 | ₱320,000,000 | kasamang i-prinodyus sa Spring Films | [14][15] |