Varanasi

Ang Varanasi (Vārāṇasī ;[ʋaːˈraːɳəsi]) ay isang lungsod sa ilog Ganges sa hilagang India na may sentral na lugar sa peregrinasyon, kamatayan, at pagluluksa sa mundo ng Hinduismo.[10] Ang pangalang Varanasi ay opisyal na muling binuhay pagkatapos ng 1947,[11] ngunit ang lungsod ay kilala pa rin bilang Banaras o Benares ( Banāras ;[bəˈnaːrəs] ( pakinggan)),[12][13] at mula noong sinaunang panahon din bilang Kashi,[14][15] Ang lungsod ay may sinkretikong tradisyon ng pagiging artesanong Muslim na nagpapatibay sa turismo nito.[16][17] Matatagpuan sa gitnang Lambak Ganges sa timog-silangang bahagi ng estado ng Uttar Pradesh, ang Varanasi ay nasa kaliwang pampang ng ilog. Ito ay 692 kilometro (430 mi) sa timog-silangan ng kabesera ng India na New Delhi, 320 kilometro (200 mi) timog-silangan ng kabesera ng estado, Lucknow, at 121 kilometro (75 mi) silangan ng Allahabad, isa pang lugar ng peregrinasyon sa Hinduismo.

Varanasi

Benares
Banaras
Kashi
Metropolis
Talaksan:Ustad Nazim Hussain accompanying his father Shehnai Maestro Bharat Ratna Ustad Bismillah Khan.jpg
Kaliwa pakanan, Taas pababa:Manikarnika Ghat, ang banal na pook pag-aabo sa tabing-ilog ng Ganges; Shehnai maestro Ustad Bismillah Khan; Facultdad ng Sining, Pamantasang Hindu ng Benares; Paghahabi ng kultang brokado; Goswami Tulsidas, kompositor ng Ramcharitmanas; Kolehiyong Sanskrito ng Benares, pinakalumang Sanskritong kolehiyo ng India, itinatag noong Pamumuno ng Kompanya sa India noong 1791; at Munshi Ghat
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/India Uttar Pradesh Varanasi" nor "Template:Location map India Uttar Pradesh Varanasi" exists
Mga koordinado: 25°19′08″N 83°00′46″E / 25.31889°N 83.01278°E / 25.31889; 83.01278
Bansa India
[Mga estado ng India|Estado]]Uttar Pradesh
DibisyonVaranasi
DistritoVaranasi
Pamahalaan
 • UriMunisipal na Korporasyon
 • KonsehoVaranasi Municipal Corporation
 • MayorMridula Jaiswal (BJP)
 • Divisional CommissionerDeepak Agarwal, IAS
 • District MagistrateKaushal Raj Sharma, IAS
 • Inspector General, Varanasi RangeSuvendra Kr. Bhagat, IPS
 • Commissioner of PoliceA. Satish Ganesh, IPS
Lawak
 • Metropolis82 km2 (32 milya kuwadrado)
 • Metro163.8 km2 (63.2 milya kuwadrado)
Taas
80.71 m (264.80 tal)
Populasyon
 (2011)
 • Metropolis1,212,610[1]
 • Ranggo31st
 • Metro1,432,280 (32nd)
DemonymBanarasi
Language
 • OfficialHindi[5]
 • Additional officialUrdu[5]
 • RegionalBhojpuri
Sona ng orasUTC+5:30 (IST)
PIN
221 001 to** (** area code)
Telephone code0542
Plaka ng sasakyanUP 65
GDP$3.8 billion (2019–20)[6]
Per capita incomeINR 1,93 616[7]
Sex ratio0.926 (2011) /
Literacy (2011)80.31%[8]
HDI0.645[9]
Websaytvaranasi.nic.in

Ang Varanasi ay isa sa pinakamatandang lungsod na patuloy na pinaninirahan sa mundo.[18] Ang Kashi, ang sinaunang pangalan nito, ay nauugnay sa isang kaharian na may parehong pangalan noong 2,500 taon na ang nakalilipas. Ang Buddha ay naitala sa Kanon ng Pali na nagbigay ng kaniyang unang sermon, "Ang Paghuhudyat ng Pag-ikoy ng Gulong ng Dharma", sa kalapit na Sarnath noong 528 BCE. Noong ika-8 siglo, itinatag ni Adi Shankara ang pagsamba sa Shiva bilang isang opisyal na sekta ng Varanasi. Sa panahon ng pamumuno ng mga Muslim noong Gitnang Kapanahunan, ang lungsod ay naging isang mahalagang sentro ng debosyon ng Hindu, peregrinasyon, mistisismo, at panulaan na nag-aambag sa kahalagahan ng kultura nito. Isinulat ni Tulsidas ang kaniyang epiko sa wikang Awadhi, ang Ramcharitmanas, isang kilusang Bhakti na muling paggawa ng Sanskritong Ramayana, sa Varanasi. Ilang iba pang pangunahing tauhan ng kilusang Bhakti ay isinilang sa Varanasi, kasama sina Kabir at Ravidas.[19] Noong ika-16 na siglo, ang emperador ng Mughal na si Akbar ay nagtayo ng dalawang malalaking templong inalay kanila Shiva at Vishnu sa lungsod. Sa ilalim ng Kasunduan ng Faizabad, nakuha ng Kompanya sa Silangang Indiya ang Benares noong 1775,[20][21] ang lungsod na kalaunan ay sunod-sunod na naging bahagi ng Dibisyon ng Benares sa mga Lalawigang Isinuko at Sinakop, mga Lalawigan sa Hilagang-kanluran, at mga Nagkakaisang Lalawigan, at pagkatapos ng kalayaan ng India sa Uttar Pradesh.[22]

Ang paghahabi ng sutla, mga alpombra at paglilikok, at turismo ay gumagamit ng malaking bilang ng lokal na populasyon, gayundin ang Banaras Locomotive Works at Bharat Heavy Electricals. Ang Varanasi ay isang sentro ng kultura ng hilagang India na malapit na nauugnay sa Ganges. Naniniwala ang mga Hindu na ang pagkamatay dito at ang pag-abo sa tabi ng pampang ng ilog ng Ganges ay nagpapahintulot sa siklo ng muling pagsilang na maputol at maging posible ang kaligtasan.[23] Kilala ang lungsod sa buong mundo para sa maraming ghat nito, mga hakbang pababa sa matarik na pampang ng ilog patungo sa tubig, kung saan nagsasagawa ng mga ritwal ang mga peregrino. Ang partikular na pansin ay ang Dashashwamedh Ghat, ang Panchganga Ghat, ang Manikarnika Ghat, at ang Harishchandra Ghat, ang huling dalawang lugar kung saan inaabo ng mga Hindu ang kanilang mga patay. Ang mga talaan ng talaangkanang Hindu sa Varanasi ay itinatago rito. Kabilang sa mga kilalang templo sa Varanasi ay ang Templong Kashi Vishwanath ni Shiva, ang Templong Sankat Mochan Hanuman, at ang Templong Durga.

Mga sanggunian