Unibersidad ng Fribourg

Ang Unibersidad ng Fribourg (Pranses: Université de Fribourg; Aleman: Universität Freiburg; Ingles: University of Fribourg) ay isang unibersidad sa lungsod ng Fribourg, Switzerland.[1]

Pangunahing gusali

Ang unibersidad ay maiuugat sa taong 1580, nang itatag ng Heswitang paring si Peter Canisius ang Collège Saint-Michel sa lungsod ng Fribourg.[2] 

Ang Unibersidad ng Fribourg ang nag-iisang bilingguwal na unibersidad sa Switzerland at nag-aalok ng kurikulum sa Pranses at Aleman, dalawang sa apat na pambansang wika ng Switzerland.[3] Mayroon itong humigit-kumulang 10,000 mag-aaral.[4]

Mga sanggunian

46°48′23″N 7°09′06″E / 46.8063°N 7.1517°E / 46.8063; 7.1517 Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.