Tulay ng Brooklyn

Ang Tulay ng Brooklyn (Ingles: Brooklyn Bridge) ay isang nakasuspindeng tulay sa Estados Unidos na may habang 5,989 talampakan (1825 m)[1] sa Ilog Silangan (East River). Ipinagdudugtong nito ang mga boro ng Manhattan at Brooklyn sa Lungsod ng New York. Sa pagtatapos nito noong 1883, ito ang pinakamahabang nakasuspindeng tulay sa buong mundo, ang unang nakasuspindeng tulay na may de-aserong kawad at ang unang tulay na nagdurugtong sa Pulo ng Long (Long Island).

Tulay ng Brooklyn

Tulay ng Brooklyn, noong Setyembre 2016.
Nagdadala ngmga kotse, elevated trains (hanggang 1944), streetcar (hanggang 1950), pedestriyan, at bisikleta
Tumatawid saIlog Silangan
PookNew York City (ManhattanBrooklyn)
Pinanatili ngNew York City Department of Transportation
NagdisenyoJohn Augustus Roebling
DisenyoSuspension/Cable-stay Hybrid
Pinakamahabang kahabaan1,595 talampakan 6 dali (486.3 m)
Kabuuang haba5,989 talampakan (1825 m)
Lapad85 talampakan (26 m)
Clearance below135 talampakan (41 m) sa mid-span
AADT145,000
Petsa ng pagbubukasMayo 24, 1883
BayarinLibre
Mga koordinado40°42′23″N 73°59′51″W / 40.706344°N 73.997439°W / 40.706344; -73.997439 (Brooklyn Bridge)

Orihinal na ipinangalanan bilang Bagong York at Tulay ng Brooklyn, ito ay ipinangalanan bilang Tulay ng Brooklyn sa isang sulat na ipinadala noong 1867 para sa patnugot ng Brooklyn Daily Eagle,[2] at pormal na ipinalanganan ng pamahalaan ng lungsod noong 1915. Simula ng pagbubukas nito, ito ay naging isang simbolikong bahagi ng panoramang urbano ng Lungsod ng Bagong York. Ito ay ginawa bilang isang National Historic Landmark noong 1964.[3][4][5]

Ang mga kasaysayan sa mga larawan

Mga sanggunian