Timothée Chalamet

Si Timothée Hal Chalamet[a] /sha-la-mey/ (ipinanganak noong Disyembre 27, 1995) ay isang Pranses-Amerikanong aktor. Siya ay nakatanggap ng iba't ibang gantimpala, kasama na ang mga nominasyon para sa isang Academy Award, tatlong BAFTA Film Awards, dalawang Golden Globe Awards, at apat na Screen Actors Guild Awards, nagsimula ang kanyang pag-aartista sa mga short film at patalastas, bago siya lumabas sa tele-seryeng Homeland noong 2012. Makalipas ng dalawang taon, una siyang lumabas sa isang feature film sa drama na Men, Women & Children. Kasunod noon ay lumabas din siya sa pelikulang sci-fi na Interstellar ni Christopher Nolan.

Timothée Chalamet
Kapanganakan
Timothée Hal Chalamet

(1995-12-27) 27 Disyembre 1995 (edad 28)
Mamamayan
  • Amerikano
  • Pranses[1]
NagtaposColumbia University
New York University
TrabahoAktor
Aktibong taon2007–kasalukuyan
Mga gawaFull list
Kamag-anak
  • Rodman Flender (tiyuhin)
  • Amy Lippman (tiya)
ParangalFull list

Nagsimula ang lalong pagsikat ni Chalamet noong 2017 sa kanyang pagganap bilang Elio Perlman sa romantikong-drama na Call Me by Your Name ni Luca Guadagnino. Matapos noon ay lumabas na rin siya sa mga pelikulang coming-of-age tulad ng Hot Summer Nights, Lady Bird at pati na rin sa kanluraning pelikula na Hostiles. Dahil sa kanyang pagganap sa Call me by Your Name, nakatanggap siya ng Academy Award Nomination bilang Best Actor. Naging pangatlo siya sa pinakabatang mga nominado dahil ay 22 anyos lamang noon. Matapos ay gumanap siya bilang Nic Sheff sa pelikulang Beautiful Boy (2018) kung saan ay na-nomina siya para sa mga gantimpalang sumusunod: Golden Globe Award, Screen Actors Guild Award, at ang BAFTA Film Award. Noong 2019, bumida siya sa mga kapanahunang drama tulad ng The King and Little Women bilang Henry V of England at Theodore "Laurie" Laurence.

Sa teatro, bumida si Chalamet sa dulang pansariling-talambuhay na Prodigal Son (2016) ni John Patrick Shanley, kung saan ay nakatanggap siya ng isang Drama League Award nomination at napanalunan ang isang Lucille Lortel Award.

Kabataan at edukasyon

Si Timothée Hal Chalamet ay ipinanganak noong ika-27 ng Disyembre 1995, sa New York City, at lumaki sa gusali ng Manhattan Plaza, sa Hell's Kitchen.[5][6] Ang kanyang ina na si Nicole Fender, ay isang ikatlong-henerasyong taga-New York, may lahi siyang kalahating Russian Jewish at kalahating Austrian Jewish.[7] Siya ay isang real estate broker sa 'The Corcoran Group',[8] at dating mananayaw ng Broadway; Nakuha ni Flender ang kanyang bachelor's degree sa Wikang Pranses mula sa Yale University. Mula noong ay siya ay naging tagapagturo ng sayaw at wika.[9][10] Ang kanyang Pranses na ama, Marc Chalamet, ay isang editor sa UNICEF at dating manunulat sa New York para sa pahayagang Le Parisien.[6][11] Si Marc ay mula sa Nîmes at isang Protestanteng Kristyano.[10] Ang lolo ni Timothée sa ama, na lumipat sa France, ay may lahing Canadian at British.[12] Ang ate ni Chalamet, si Pauline (ipinanganak 1992), ay isang artistang nakatira sa Paris.[6]

Pumasok si Chalamet sa Fiorello H. LaGuardia High School of Music & Art and Performing Arts sa New York City

Bihasa si Chalamet sa Wikang Ingles at Pranses,[b][14] at may dual citizenship mula Estados Unidos at France.[15]

Sa kanyang kabataan, tuwing bakasyon, madalas siyang pumunta sa Le Chambon-sur-Lignon,[16] na dalawang oras lang ang layo mula sa Lyon, sa bahay ng kanyang lolo't lola sa ama. Sinabi niya na nagkaroon siya ng mga isyu sa kanyang pagkakakilanlan dahil sa hatî niyang lahi.[17] ''Once I was there, I became the French version of myself" (Nung nando'n ako, naramdaman ko ang aking pagiging pranses) sinabi niya sa La Presse. "I was completely imbued with the culture, and I even dreamed in French." (Nakapag-konekta talaga ako sa aking kulturang Pranses, at nanaginip pa nga ako sa wikang iyon.)[18] Ang kanyang pangarap noon ay maging propesyunal na manlalaro ng football. Wika niya "I was a coach at a soccer camp in France. I coached six to ten-year-olds when I was around thirteen." (Naging coach ako sa kampo ng football sa France. Noong ako ay 13 anyos ay tinuruan ko ang mga edad 6 hanggang 10.)[16]

Sa mababang baitang, pumasok si Chalamet sa Paaralang PS 87 William T. Sherman, at matapos ay sa pilíng programang Delta sa MS 54 Booker T. Washington para sa panggitnaang paaralan. Inilarawan niya ito bilang "tatlong nakayayamot na taon" dahil sa kakulangan ng malikhaing pasilidad sa kahigpitan ng paaralan.[19] Naging makabuluhan para sa kanyang pag-arte nang pagkatanggap niya sa Fiorello H. LaGuardia High School of Music & Art and Performing Arts. Wika niya "I had some excellent teachers and really fell in love with it. I saw that it could be and should be treated as a craft." (Magagaling ang mga naging guro ko at lalo akong napaibig sa sining na ito. Nakita ko na pwede at nararapat itong maituring bilang isang sining.) [20] Si Harry Shifman, ang kanyang Grade 8 drama teacher sa La Guardia,[21] ay lubos na napahanga sa kanyang audition kaya't pinilit niyang matanggap si Chalamet kahit na hindi siya natanggap sa unang interview (dahil sa grades niya sa middle school),[22] "I gave him the highest score I've ever given a kid auditioning." (Sa kanya ko nabigay ang pinakamataas na iskor na nabigay ko sa isang batang nago-audition.)[23] Sa mataas na paaralan, dinate ni Chalamet ang anak ni Madonna na si Lourdes ("Lola") Leon, kanyang naging kamag-aral sa isang taon.[6] Bumida siya sa school musicals bilang Emcee sa Cabater at Oscar Lindquist sa Sweet Charity. Nagtapos siya noong 2013.[24][25] Nagtapos rin siya sa Youngarts.

Pagkatapos sa mataas na paaralan, si Chalamet (17 anyos pa rin) ay pumasok sa Columbia University nang isang taon. Ang major niya ay Antropolohiyang pangkultura.[16][26] Matapos nito ay lumipat siya ça Gallatin School of Individualized Study ng New York University upang mas malaya niyang maipagpatuloy ang karera sa pag-arte,[27] dahil sa nahirapan siyang matuto ng direkta sa Columbia pagkatapos ng shooting sa pelikulang Interstellar.[28] Sa kanyang paglisan sa Columbia, lumipat siya sa Concourse, Bronx.[6][29]

Mga pananda

Mga sanggunian