Talaan ng mga lungsod at bayan sa Namibia

Ito ay isang talaan ng mga opisyal na lungsod at bayan sa Namibia, isang bansa sa katimugang Aprika. Naiiba ang mga lungsod at bayan sa katayuang ipinakaloob sa mga ito ng Pamahalaan ng Namibia. Ang mga lugar sa Namibia na pinamamahalaan ng munisipalidad ay "mga lungsod, habang ang mga lugar na pinamamahalaan naman ng konsehong bayan (town council) ay mga bayan.[1]

Mapa ng Namibia

Mga lungsod

Windhoek, kabisera ng Namibia.
Walvis Bay
Swakopmund
Otjiwarongo
Keetmanshoop
Tsumeb
Grootfontein

Magmula noong 2015, may labintatlong (13) lungsod ang Namibia, at bawat isa sa mga ito'y pinamamahalaan ng isang municipality council na may pito hanggang labinlimang puwesto. Kompara sa mga bayan, may kapangyarihan ang mga lungsod na magtatag ng mga pasilidad tulad ng pampublikong transportasyon, panukalang pabahay, museo, at aklatan nang walang pahintulot mula sa Minister of Urban and Rural Development. Maaaring magpasya rin ang mga lungsod na isapribado ang ilang serbisyo at pumasok sa mga joint venture kasama ang pampribadong sektor nang hindi na kailangang maghingi ng malinaw na pahintulot.[2]

Cities in Namibia
LungsodRehiyonSenso 1991Senso 2001[3]Sebso 2011[3]
WindhoekKhomas147,056233,529325,858
Walvis BayErongo22,99943,61162,096
SwakopmundErongo17,68123,80844,725
OtjiwarongoOtjozondjupa15,92119,61428,249
OkahandjaOtjozondjupa11,04014,03922,639
KeetmanshoopǁKaras15,03215,77820,977
TsumebOshikoto14,92919,275
GobabisOmaheke13,85619,101
Grootfontein Otjozondjupa14,24916,632
MarientalHardap9,83612,478
OutjoKunene6,0138,445
OmaruruErongo4,7616,300
Henties BayErongo3,2854,720

Mga bayan

Rundu, ang pinakamataong bayan ng Namibia.
Lüderitz

Magmula noong 2015, may dalawampu't-anim (26) na mga bayan ang Namibia, at bawat isa sa mga ito'y pinamamahalaan ng konsehong pambayan (town council) na may pito hanggang labindalawang puwesto. Kompara sa mga nayon, may kapangyarihan ang mga bayan na magtatag ng mga pasilidad tulad ng mga serbisyong ambulansya at pag-aapula ng apoy at suplay ng kuryente nang walang pahintulot ng Minister of Urban and Rural Development. Sila rin ang may pananagutan sa pagtatayo at pagpapanatili ng mga gusaling pangkomunidad, at maaari silang bumili at magbenta (buy and sell) ng mga nalilipat na ari-arian (movable property) nang hindi na kailangang maghingi ng malinaw na pahintulot.[2]

Towns in Namibia
BayanRehiyonSenso 1991Senso 2001[3]Senso 2011[3]
RunduKavango East19,36636,96463,431
OshakatiOshana21,60328,25536,541
RehobothHardap21,43921,30828,843
Katima MuliloZambezi13,37722,13428,362
OndangwaOshana7,92610,90022,822
OngwedivaOshana6,19710,74220,260
Helao NafidiOhangwena------ (itinatag noong 2004)19,375
LüderitzǁKaras13,29512,537
OpuwoKunene5,1017,657
KhorixasKunene5,8906,796
OutapiOmusati2,6406,437
EenhanaOhangwena2,8145,528
OtaviOtjozondjupa3,8135,242
ArandisErongo3,9745,214
KaribibErongo3,7265,132
OkakararaOtjozondjupa3,2964,709
KarasburgǁKaras4,0754,401
OranjemundǁKaras4,4513,908
OmuthiyaOshikoto3,794
AranosHardap3,683
UsakosErongo2,9263,583
RuacanaOmusati2,985
OshikukuOmusati2,761
OkahaoOmusati1,665
NkurenkuruKavango West618
OniipaOshikoto---

Tingnan din

  • Heograpiya ng Namibia
  • Mga rehiyon ng Namibia

Mga sanggunian

Mga karagdagang babasahin