Sahing (katas ng puno)

(Idinirekta mula sa Resin)
Para sa ibang gamit, tingnan ang Sahing (paglilinaw).

Ang sahing[1] ay ang dagta o katas mula sa katawan ng punong-kahoy. Karaniwang kulay puti, malagkit at madikit ang mga ito. Tinatawag itong resin o pitch sa Ingles. Isa ito sa pinagkukunan ng mga insenso at pabango, katulad ng mga puno at suso mula sa Palestina.[2] Ilan sa mga halimbawa ng galing sa puno ang mga dagta mula sa estakte, unya, at kamanyang. Nagmumula naman sa mga suso ang galbano.[3][4][5] Tinatawag ding goma ang mga sahing.[6]

Protium Sp.”
Isang tumutulong sahing. Makikita sa loob ng malagkit na dagtang ito ang isang nakulong na kulisap.

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.