Requel

Tungkol ito sa pangalang panlalaki, huwag itong ikalito sa pangalang pambabaeng Raquel.

Ang Requel, Reuel o Raguel (Hebreo: רְעוּאֵל, Moderno: Rəʻuʼel, Tiberiano: Rəʻûʼēl, "Kaibigan ni El" o "Kaibigan ng Diyos") ay isang pangalang kaugnay sa ilang mga katauhan o tauhan sa Bibliya o panrelihiyon. Kabilang dito si Requel, na kilala rin bilang Jetro (o Jethro) na binanggit sa Aklat ng Eksodo (Eksodo 2:18) ng Lumang Tipan.[1][2] Sa ibang sanggunian, binabaybay din itong Raquel (may maliit na Q), bagaman karaniwang pangalang pambabae ang Raquel.[3]

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.