Pilosopiyang pangkontinente

(Idinirekta mula sa Pilosopiyang kontinental)

Ang mga pilosopiyang pangkontinente o mga pilosopiyang kontinental ay isang pangkat ng mga tradisyon o kaugaliang pampilosopiya noong ika-19 at ika-20 mga daantaon magmula sa punong-lupain ng Europa.[1][2] Ang ganitong diwa ng kataga ay nagmula sa piling ng mga pilosopong nagsasalita ng wikang Ingles noong pangalawang hati ng ika-20 daantaon, na gumamit ng wikang ito upang tukuyin ang isang kasaklawan ng mga nag-iisip at mga tradisyong nasa labas ng kilusang analitiko. Kabilang sa pilosopiyang pangkontinente ang sumusunod na mga kilusan: ideyalismong Aleman, penomenolohiya, eksistensiyalismo (at ang mga nauuna rito, katulad ng kaisipan nina Kierkegaard at Nietzsche), hermeneutika, istrukturalismo, post-istrukturalismo, peminismong Pranses, teoriyang sikoanalitiko, at ang teoriyang kritikal ng Paaralan ng Frankfurt at kaugnay na mga sangay ng Marxismong Pangkanluran.[3]

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.