Pia Arcangel

Si Pia Arcangel (ipinanganak 8 Disyembre 1978) ay isang tagapagbalita at mamamahayag mula sa Pilipinas. Siya ang tagapagbalita sa mga pambalitang palabas ng GMA Network na Saksi at 24 Oras Weekend.

Pia Arcangel
Kapanganakan
Pia Arcangel

(1978-12-08) 8 Disyembre 1978 (edad 45)
NasyonalidadPilipino
Ibang pangalanPia
TrabahoTagapagbalita, taga-ulat, mamamahayag
Aktibong taon2001-kasalukuyan
AsawaMico Halili
AnakMikey Halili

Pansariling buhay

Si Arcangel ay anak ni Clotilde N. Arcangel, Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas, na may lahing Kastila. Kinasal si Arcangel kay, Mico Halili na isang taga-ulat ng palakasan.[1]

Karera

Nagsimula si Arcangel sa Studio 23 bilang taga-ulat at TV host. Noong 2003, napunta siya sa GMA Network. Dati siyang host ng Unang Hirit at Art Angel (kasama si Tonipet Gaba at Krystal Reyes). Sa QTV (GMA News TV na ngayon), nagbibigay siya ng balita Balitanghali (kasama si Raffy Tima).

Siya ngayon ay nagbibigay ng balita sa 24 Oras Weekend at Saksi.

Pilmograpiya

Telebisyon

TaonPamagatGinampanan
2014–kasalukuyanSaksiTagapagbalita
2010–kasalukuyan24 Oras WeekendTagapagbalita
2006–2008DoQmentariesKanyang sarili
2006–2008100% PinoyHost
2006Pinoy Meets World "Kenya Episode"Kanyang sarili
2005–2014BalitanghaliTagapagbalita
2004–2010Art AngelHost
2003–2013Unang HiritHost
2001–2003Breakfast SupersizeTaga-ulat
2000UAAP on Studio 23Taga-ulat

Mga sanggunian