Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan

ahensiyang nangangasiwa sa aspetong Teknikal na Bokasyonal na Edukasyon at Pagsasanay sa Pilipinas

Ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan[1][2] (Ingles:Technical Education and Skills Development Authority o TESDA [ˈtɛsda]) ay nagsisilbing awtoridad ng Pilipinas para sa Teknikal na Edukasyong Bokasyonal at Pagsasanay (Technical Vocational Education and Training o TVET). Bilang isang ahensiya ng pamahalaan, ginagawa ng TESDA ang parehong pamamahala at pangangasiwa ng Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (Technical Education and Skills Development o TESD). Layunin ng ahensiya ang paunlarin ang puwersa ng paggawa na "may kakayahan sa uring-pandaigdigan at positibong pagpapahalaga sa trabaho" at upang magbigay ng dekalidad na edukasyong teknikal at maunlad na kasanayan sa pamamagitan ng mga direksyon, patakaran, at programa nito.[3]

Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan
Logo

Gusali ng TESDA sa Taguig
Buod ng Kagawaran
Pagkabuo25 Agosto 1994 (1994-08-25)
Punong himpilanGusali ng TESDA 15, Daang East Service, Brgy. Kanluraning Bicutan, Taguig, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Taunang badyet₱12,970,000,000 (2020)
Tagapagpaganap Kagawaran
  • Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo - Bienvenido E. Laguesma]], Tagapangulo
Pinagmulan na KagawaranKagawaran ng Paggawa at Empleo
Websayttesda.gov.ph

Kayariang pang-organisasyon

Lupon ng TESDA

Minandato ng Batas Republika Blg. 7796 na magsilbi bilang kasapi ng Lupon ng TESDA ang mga sumusunod:[4]

  • Ang Kalihim ng Paggawa at Empleo bilang Tagapangulo
  • Ang Kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Isports (Kalihim ng Edukasyon ngayon) at ang Kalihim ng Kalakalan at Industriya bilang mga Kasamang-Tagapangulo
  • Ang Kalihim ng Agrikultura, ang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal, at Pangkahalatang-Direktor ng Kalihiman ng TESDA bilang mga kasapi.

Mga sanggunian