Rodriguez

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Rizal
(Idinirekta mula sa Montalban, Rizal)

Ang Rodriguez (na dating kilala bilang Montalban) ay isang unang klaseng munisipalidad sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ang pinakahilagang bayan ng lalawigan at dumarating pagkaraan ng San Mateo, kapag magmumula sa Kalakhang Maynila. Nakalagak ang bayan sa mga libis ng nasasaklawan ng bulubundukin ng Sierra Madre at nagtataglay ng maraming mga pasyalang pook. Ito rin ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ng Rizal.Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 443,954 sa may 13,854 na kabahayan.

Rodriguez

Bayan ng Rodriguez
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Rodriguez.
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Rodriguez.
Map
Rodriguez is located in Pilipinas
Rodriguez
Rodriguez
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°43′N 121°07′E / 14.72°N 121.12°E / 14.72; 121.12
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganRizal
DistritoPangalawang Distrito ng Rizal
Mga barangay11 (alamin)
Pagkatatag1909
Pamahalaan
 • Punong-bayanCecilio C. Hernandez
 • Manghalalal201,452 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan312.70 km2 (120.73 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan443,954
 • Kapal1,400/km2 (3,700/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
13,854
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan7.37% (2021)[2]
 • Kita₱1,052,329,249.86 (2020)
 • Aset₱2,390,963,692.84 (2020)
 • Pananagutan₱1,154,406,886.45 (2020)
 • Paggasta₱1,430,692,094.82 (2020)
Kodigong Pangsulat
1860
PSGC
045808000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Remontado Agta
wikang Tagalog
Websaytmontalbanrizal.com

Sinasabing naganap ang alamat ni Bernardo Carpio sa bulubundukin ng Montalban. Naglalahad ang alamat ng kuwento hinggil sa isang higanteng hindi makaalis mula sa pagitan ng dalawang bundok.

Binuong pook

Sa patuloy na paglawak ng Kalakhang Maynila, kabilang na ngayon ang lungsod sa binuong pook ng Maynila na umaaabot sa Cardon na nasa pinaka kanlurang bahagi nito.

Pamahalaan

Pangkasalukuyang pinamumunuan ang Rodriguez ng alkaldeng si Cecilio "Elyong" Hernandez.[3]

  Nanilbihan bilang municipal president.
NoTermino ng SerbisyoTaon sa SerbisyoName
11909–19167Eulogio Rodriguez
21916–19193Eusebio Manuel
31919–19289Gregorio Bautista
41928–19324Jose Rodriguez
51932–19364Roman Reyes
61936–19404Jacinto Bautista
71941–19432Francisco Rodriguez
81943–19441Federico San Juan
919451Gavino Cruz
101946–19471Catalino Bautista
1119471Macario Bautista
121948–195911Benigno Liamzon
1319601Guillermo Cruz Sr.
141960-198424Teodoro Rodriguez
151984-19873Pablo Adriano
161988-19935Angelito Manuel
171993-19952Ernesto Villanueva
181995-19983Pedro Cuerpo
191998-20013Rafaelito San Diego
202001-20109Pedro Cuerpo
212010-presentTBDCecilio Hernandez

Mga barangay

Nahahati ang Rodriguez sa 12 mga baranggay (8 urbano, 4 na rural):

Batong-apog (limestone) sa barangay Mascap.
  • San Jose
  • Burgos
  • Geronimo
  • Macabud
  • Mascap
  • San Isidro
  • San Rafael
  • Balite
  • Manggahan
  • Rosario
  • Puray
  • Kasiglahan

Demograpiko

Senso ng populasyon ng
Rodriguez
TaonPop.±% p.a.
1903 3,440—    
1918 5,201+2.79%
1939 6,402+0.99%
1948 5,257−2.17%
1960 9,648+5.19%
1970 20,882+8.02%
1975 31,176+8.37%
1980 41,859+6.07%
1990 67,074+4.83%
1995 79,668+3.28%
2000 115,167+8.22%
2007 223,594+9.58%
2010 280,904+8.66%
2015 369,222+5.34%
2020 443,954+3.69%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga Larawan

Mga sanggunian

Panlabas na mga kawing