Miss World 1976

Ang Miss World 1976 ay ang ika-26 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 18 Nobyembre 1976.

Miss World 1976
Petsa18 Nobyembre 1976
Presenters
  • Ray Moore
  • Patrick Lichfield
  • Sacha Distel
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
Brodkaster
Lumahok60
Placements15
Bagong sali
  • Guwatemala
  • Kapuluang Birhen ng Estados Unidos
Hindi sumali
  • Barbados
  • Bulibya
  • Guernsey
  • Hayti
  • Indiya
  • Kuba
  • Malaysia
  • Mawrisyo
  • Nikaragwa
  • Pilipinas
  • Santa Lucia
  • Seykelas
  • Sri Lanka
  • Suwasilandiya
  • Tunisya
  • Yugoslavia
Bumalik
  • Ekwador
  • Espanya
  • Hamayka
  • Paragway
  • Tahiti
  • Tsile
  • Tsipre
NanaloCindy Breakspeare
Jamaica Hamayka
PersonalityVeronica Matsepe
South Africa Timog Aprika
PhotogenicJakki Moore
Republic of Ireland Irlanda
← 1975
1977 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Wilnelia Merced ng Porto Riko si Cindy Breakspeare ng Hamayka bilang Miss World 1976.[1] Ito ang ikalawang tagumpay ng Hamayka sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Karen Jo Pini ng Australya, habang nagtapos bilang second runner-up si Diana Marie Duenas ng Guam.[2]

Animnapung kandidata mula sa limampu't-siyam na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Ray Moore, Patrick Lichfield, at Sacha Distel ang kompetisyon.[3] Sa edisyon ring ito unang itinampok ang bagong korona ng Miss World na gawa ng alaherong Ingles na si Russel Stone, na siyang mayroong 1,259 na diyamante.[4]

Kasaysayan

Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1976

Pagpili ng mga kalahok

Animnapung kandidata mula sa limampu't-siyam na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Siyam na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at tatlong kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Isang bagong patakaran ang inimplementa ng Miss World sa edisyong ito. Simula sa edisyong ito, tatanggapin lamang ang isang kandidata kung ang kompetisyong pambansa kung saan nagwagi ang nasabing kandidata ay naganap sa bansang kanyang kinakatawan. Inimplimenta ang patakarang ito upang hindi na mangyari muli ang nangyari kay Maricela Maxie Clark na kumatawan sa Kuba bagama't siya ay ipinanganak sa Miami, Florida sa Estados Unidos.[5]

Mga pagpalit

Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss Honduras 1976 na si Carmen Leticia Figueroa sa edisyong ito, ngunit siya ay hindi pinayagan ng mga organizer ng Miss Honduras sa paglahok sa Miss World dahil siya ay kasal na.[6] Dahil sa mga runner-up ang gustong pumalit kay Figueroa, iniluklok na lamang si Maribel Ayala, isa sa mga semi-finalist ng Miss Honduras 1976, upang kumatawan sa Honduras sa Miss World. Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss México 1976 na si Emilia Estefanía Smith, ngunit siya ay pinalitan ni Miss Mexico 1976 Carla Jean Evert dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[7] Bagama't inangkin ng bagong Miss Italy na si Paola Bresciano ang kanyang karapatan na lumahok sa Miss World,[8] siya ay hindi pinansin ng nasabing organisasyon dahil ang opisyal na kandidata ng Italya sa edisyong ito ay si Antonella Lombrosi.[9]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Guwatemala at ang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Tahiti na huling sumali noong 1965, Tsile na huling sumali noong 1969, Paragway na huling sumali noong 1972, Tsipre na huling sumali noong 1973, at Ekwador, Espanya, at Hamayka na huling sumali noong 1974.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Barbados, Bulibya, Guernsey, Hayti, Indiya, Kuba, Malaysia, Mawrisyo, Nikaragwa, Pilipinas, Santa Lucia, Seykelas, Sri Lanka, Suwasilandiya, Tunisya, at Yugoslavia sa edisyong ito. Hindi sumali si Jewell Nightingale ng Barbados dahil sa kakulangan sa pondo para ipadala sa Londres at lumahok na lamang sa Miss Universe.[10] Hindi sumali sina Irene Matthews ng Guernsey at Ivania Navarro ng Nikaragwa dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi rin sumali si Cynthia Elibox ng Santa Lucia dahil sa kakulangan sa badyet. Hindi sumali ang mga bansang Bulibya, Hayti, at Kuba sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok. Bumitiw naman sa kompetisyon sina Naina Balsavar ng Indiya,[11] Lorraine Wede Johnson ng Liberya, Che Puteh Che Naziauddin ng Malaysia, Anne-Lise Lesur ng Mawrisyo,[12] Josephine Conde ng Pilipinas,[13] Lynn Gobine ng Seykelas, Tamara Ingrid Subramanian ng Sri Lanka, Zanella Tutu Tshabalala ng Suwasilandiya, at Slavica Stefanović ng Yugoslavia bilang protesta laban sa paglahok ng dalawang kandidata mula sa Timog Aprika na siyang pinangunahan ng South African Non-Racial Olympic Committee o SANROC.[14][15] Bagama't inanunsyong lalahok sa Miss World, hindi lumahok si Yuliarti Rahayuningsih ng Indonesya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[16]

Dalawang kandidata ang hindi pinayagang lumahok sa edisyong ito. Una ay si Mandi Anathi Gulwa ng Transkei, na diniskwalipika ni Julia Morley dahil hindi kinikilala ng Reyno Unido ang kalayaan ng Transkei bagama't idineklara na ang kalayaan nito noong 26 Oktubre 1976.[17] Ang pangalawa ay si Jane Bird ng Rhodesia, na hindi pinayagan ni Morley na makasali dahil sa mga politikal na rason, at dahil hindi rin kinikilala ng Reyno Unido ang Rhodesia. Bukod pa rito, huli na nang makapunta si Bird sa Londres para makasali pa sa Miss World.[18]

Mga kontrobersiya

Pagbitiw ng ilan sa mga kandidata bilang protesta sa paglahok ng Timog Aprika

Noong 10 Nobyembre 1976, pinakiusapan ng SANROC ang mga organizer ng Miss World upang pagbawalan ang paglahok ng dalawang kandidata mula sa Timog Aprika, isang itim at isang puti, dahil ito ay rasista at dapat ay isang kandidata lamang ang ipinapadala ng bawat bansang lumalahok sa Miss World.[19] Tinanggihan ni Julia Morley ang pakiusap at sinabing sa susunod na edisyon, isang kandidata na lang mula sa Timog Aprika ang lalahok at ang kompetisyon kung saan pipiliin ang kandidata ay multiracial.[20] Gayunpaman, nagdududa pa rin si Chris de Broglio, kalihim ng SANROC, na papayagan ng pamahalaan ng Timog Aprika na magkaroon ng isang kompetisyong multiracial ang Miss South Africa.[21] Ang pagtanggi sa pakiusap ng SANROC ang siyang nag-udyok sa SANROC na magpadala ng sulat sa apatnapung-limang embahada ng mga bansa sa Londres na nag-uudyok sa kanila na i-boykot ang Miss World,[19] tulad ng nangyari sa 1976 Olympics sa Montréal.[22]

Noong 14 Nobyembre, nakatanggap ng sulat mula sa kanilang mga pamahalaan sina Anne-Lise Lesur ng Mawrisyo at Zanella Tutu Tshabalala ng Suwasilandiya na bumitiw na sa kompetisyon bunsod ng delegasyon ng Timog Aprika sa edisyong ito.[23][24] Ang sulat ay nanggaling sa embahada ng Suwasilandiya at Mawrisyo sa Londres na kinailangan nilang sundin.[25] Noong 15 Nobyembre, inatasan ng Foreign Minister ng Liberya si Lorraine Wede Johnson na bumitiw na rin sa kompetisyon, at noong 16 Nobyembre ay bumitiw si Naina Balsavar ng Indiya sa utos ng kanyang pamahalaan.[26][27] Noong 17 Nobyembre ay bumitiw na rin sina Lynn Gobine ng Seykelas, Che Puteh Che Naziauddin ng Malaysia,[28] at Tamara Ingrid Subramanian ng Sri Lanka.[29][30]

Bagama't pitong kandidata na ang bumitiw sa kompetisyon dulot ng pag-boykot ng kanilang mga pamahalaan sa Miss World, napagdesisyunan pa rin ni Morley na ipagpatuloy ang kompetisyon. Nagpatuloy pa rin ang nalalabing animnapu't-dalawang kandidata sa kanilang dress rehearsal at ang pag-record ng parade of nations nang makatanggap ng dalawang sulat sina Morley tungkol sa pagbitiw ng mga kandidata mula sa Pilipinas at Yugoslavia na sina Josephine Conde at Slavica Stefanović.[31][32] Natanggap ni Morley ang sulat mula sa Pamahalaan ng Pilipinas ilang minuto bago magsimula ang pag-record ang parade of nations. Nang ipaalam kay Conde na inuutos ng pamahalaan ng Pilipinas na siya ay bumitiw, tumangis ang kandidata at tinangka nitong umapela sa Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos na siya ring sa Londres noong mga panahong iyon, ngunit nabigo ito.[33][34] Bagama't hindi na kabilang sa listahan ng kandidata, napagdesisyunan pa rin ni Conde na lumahok pa rin sa parade of nations. Bumitiw naman sa kompetisyon si Stefanović pagkatapos ma-record ang parade of nations. Ayon sa isang tagapagsalita mula sa BBC, dahil may background music ang ni-record na parade of nations sa Royal Albert Hall, hindi maaaring tanggalin sa video sina Conde at Stefanović, at sasabihin na lamang sa mga manonood ang nangyari sa final telecast.

Noong 18 Nobyembre, sa araw ng final telecast, isang kandidata pa ang inatasan ng kanilang pamahalaan na bumitiw, at ito ay si Patricia Anderson Leon ng Trinidad at Tobago. Bagama't natanggap ang sulat mula sa kanilang pamahalaan, hindi ito pinansin ni Anderson Leon at nagpatuloy pa rin ito sa paglahok. Kalaunan ay itinanghal si Anderson Leon bilang isa sa labinlimang mga semi-finalist. Bagama't may pangamba pa rin si Morley na may posibilidad na higit-kumulang dalawampu't-limang kandidata ang maaari pang bumitiw sa huling minuto, nagpatuloy ang kompetisyon at ang final telecast ayon sa plano.[35]

Mga resulta

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1976 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

PagkakalagayKandidata
Miss World 1976
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Mga espesyal na parangal

ParangalKandidata
Miss Photogenic
Miss Personality

Kompetisyon

Pormat

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

  • Barbara Bain – Amerikanang aktres
  • Wentworth Christopher – National Director ng Bermuda
  • Fred Demmond
  • James Hunt – Ingles na racecar driver
  • Curd Jürgens – Austriano-Aleman na aktor
  • Michael Knotts – Ingles na pintor
  • Wilnelia Merced – Miss World 1975 mula sa Porto Riko
  • Doreen Miller
  • Eric Morley – Pangulo ng Mecca at tagapagtatag ng Miss World
  • Mary Peters – Ingles na atleta sa pentathlon
  • Demis Roussos – Griyegong mang-aawit
  • Yuki Torimaru – Hapones na fashion designer

Mga kandidata

Animnapung kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/TeritoryoKandidataEdad[a]Bayan
AlemanyaMonika Schneeweiss[38]21Francfort del Meno
ArhentinaAdriana Salguiero[39]19Tres Arroyos
ArubaMaureen Wever[40]20Oranjestad
AustralyaKaren Jo Pini[41]19Perth
AustryaMonika Mühlbauer[42]17Karlstetten
Bagong SilandiyaAnne Clifford22Christchurch
BahamasMazorian Larona Miller[43]19Nassau
BelhikaYvette Aelbrecht[44]18Bruselas
BeneswelaMaría Genoveva Rivero[45]19Caracas
BermudaVivienne Anne Hollis[46]19Smith's Parish
BrasilAdelaida Fraga de Oliveira Filha[47]18Brasília
CuraçaoViveca Marchena[48]18Willemstad
DinamarkaSusanne Juul Hansen18
EkwadorMarie Clare Fontaine20Guayaquil
El SalvadorSoraya Camondari17San Salvador
EspanyaLuz María Polegre[49]18Tenerife
Estados UnidosKimberly Foley[50]21Southfield
GresyaRania Theofilou20Atenas
GuamDiana Marie Duenas[51]17Agana
GuwatemalaMarta Elisa Tirado21Lungsod ng Guatemala
HamaykaCindy Breakspeare[52]21Kingston
HaponNoriko Asakuno19Tokyo
HibraltarRosemarie Parody19Hibraltar
HondurasMaribel Ayala18San Pedro Sula
Hong KongChristine Leung22Hong Kong
IrlandaJakki Moore[53]17Dublin
IsraelLevana Abarbanel[54]17Tel-Abib
ItalyaAntonella Lombrosi[55]17Milan
 JerseySusan Hughes21St. Helier
KanadaPamela Mercer[56]20Ancaster
Kapuluang Birhen ng Estados UnidosDenise La Franque[57]19Saint Croix
KolombyaMaría Loretta Celedón[58]19Valledupar
Kosta RikaLigia María Ramos[59]23San Jose
LibanoSuad Nachoul[60]21Beirut
LuksemburgoMonique Wilmes19Echternach
LupangyeloSigríður Olgeirsdóttir[61]19Reikiavik
MaltaJane Saliba18Żurrieq
MehikoCarla Jean Evert[62]19Acapulco
NoruwegaNina Rønneberg21Oslo
OlandaStephanie Flatow[63]23Rotterdam
ParagwayMaría Cristina Fernández Samaniego21Asuncion
 PeruRocío Lazcano[64]21Lima
PinlandiyaMerja Tammi[65]21Helsinki
Porto RikoIvette Rosado19Bayamón
PransiyaMonique Uldaric[66]22Paris
Republikang DominikanoJennyfer del Carmen Corporán17Santo Domingo
Reyno UnidoCarol Jean Grant[67]19Glasgow
SingapuraPauline Poh Neo Cheong[68]18Singapura
SuwesyaAnn-Christine Gernandt19Estokolmo
SuwisaRuth Crottet21Lugano
TahitiPatricia Servonnat[69]18Papeete
TaylandiyaDuangcheewan Komolsen20Bangkok
Timog AprikaVeronica Motsepe[b][70]21Pretoria
Lynn Massyn[71]18Durban
Timog KoreaShin Byoung-sook19Seoul
Trinidad at TobagoPatricia Anderson Leon[35]21San Fernando
TsileMaría Cristina Granzow18Santiago
TsipreAndri Tsangaridou20Famagusta
TurkiyaJale Bayhan[72]20Ankara
UrugwaySara Alaga[73]19Salto

Mga tala

Mga sanggunian

Panlabas na kawing