Miss World 1962
Ang Miss World 1962 ay ang ika-12 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 8 Nobyembre 1962.
Miss World 1962 | |
---|---|
![]() Catharina Lodders | |
Petsa | 8 Nobyembre 1962 |
Presenters |
|
Pinagdausan | Lyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | BBC |
Lumahok | 33 |
Placements | 15 |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Catharina Lodders![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Rosemarie Frankland ng Reyno Unido si Catharina Lodders ng Olanda bilang Miss World 1962.[1][2][3] Ito ang ikalawang tagumpay ng Olanda sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Kaarina Leskinen ng Pinlandiya, habang nagtapos bilang second runner-up si Monique Lemaire ng Pransiya.[4][5]
Mga kandidata mula sa tatlumpu't-talong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter West at Michael Aspel ang kompetisyon.[6]
Kasaysayan
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d3/Lyceum_Theatre%2C_Wellington_St%2C_London.jpg/250px-Lyceum_Theatre%2C_Wellington_St%2C_London.jpg)
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-talong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.
Mga pagpalit
Dapat sanang lalahok si Miss España 1962 Maruja García sa edisyon ito. Gayunpaman, dahil nanalo na ito sa Miss Europe, siya pinalitan ng kanyang runner-up na si Conchita Roig upang lumahok sa Miss World.[7][8] Iniluklok ang second runner-up ng Miss Dominion of Canada 1962 na si Marlene Leeson matapos suwayin ng orihinal na Miss Dominion na si Marilyn McFatridge ang kontrata nito sa organisasyon.[9][10]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Hamayka at Portugal na huling sumali noong 1959, at Hordan at Kanada na huling sumali noong 1960.
Hindi sumali sina Rosemarie Lederer Aguilera ng Bulibya, Nouhad El Cabbabe ng Libano, María Isabel Maas Uhl ng Paragway, at Philda Ragland ng Rhodesia at Nyasaland dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Zeynep Ziyal ng Turkiya dahil mas pinili na lamang nito na magpakasal. Hindi sumali si Carolina Nouel ng Republikang Dominikano matapos nitong hindi sumulpot sa Londres. Hindi sumali ang Suriname matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang sasali si Vaea Bennett ng Tahiti, subalit bumitiw ito matapos tanggapin ang alok na gumawa ng mga pelikula. Inimbitahan din ng may-ari ng Miss World Organization na si Eric Morley ang mga bansang Unyong Sobyetiko at Kuba upang magpadala ng kandidata, ngunit hindi tinugunan ng mga bansa ang imbitasyong ito.[11]
Mga resulta
Mga pagkakalagay
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss World 1962 | |
1st runner-up |
|
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up | |
Top 8 |
|
Top 15 |
Kompetisyon
Pormat ng kompetisyon
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Nakipanayam kay Peter West ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang walong pinalista na sumabak sa final interview.
Komite sa pagpili
- Lord John Jacob Astor – Mamamahayag ng Ingles at may-ari ng The Times of London[13]
- Gracie Fields – Aktres, komedyante, at mangaawit na Ingles[13]
- Leslie McDonnell – Manunulat na Ingles[13]
- Bob Hope – Amerikanong aktor at komedyante[14]
- Charles Eade – Mamamahayag at miyembro ng Council of the Commonwealth Press Union[13]
- Lady Margaret Simons-Kimberley – Miyembro ng British High Society[13]
- Robert Boothby, Baron Boothby – Dating Parliamentary Secretary to the Ministry of Food ng Reyno Unido[13]
- Jenifer Unite-Armstrong-Jones – Asawa ng manananggol at sundalong si Ronald Armstrong-Jones[14]
- Richard Todd – Ingles na aktor[15]
Mga kandidata
Tatlumpu't-talong kandidata ang lumahok para sa titulo.[16]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[a] | Bayan |
---|---|---|---|
![]() | Anita Steffen[17] | 20 | – |
![]() | María Amalia Ramirez[18] | 17 | Santa Fe |
![]() | Inge Jaklin[19] | 21 | Viena |
![]() | Maureen Te Rangi Rere I Waho Kingi[20] | 20 | Rotorua |
![]() | Christine Delit[21] | 22 | Liege |
![]() | Betsabé Franco[22] | 20 | Caracas |
![]() | Vera Saba[23] | 18 | Guanabara |
![]() | Rikki Stisager[23] | 19 | Aalborg |
![]() | Elaine Ortega | – | Pichincha |
![]() | Conchita Roig | 27 | Barcelona |
![]() | Amadee Chabot[24] | 17 | Northridge |
![]() | Glasmine Moraitou[25] | 23 | Atenas |
![]() | Chriss Leon[26] | 20 | Kingston |
![]() | Teruko Ikeda[27] | 19 | Himeji |
![]() | Leila Emile Khadder | 18 | Aman |
![]() | Ferial Karim[28] | 23 | Bombay |
![]() | Muriel O'Hanlon | 19 | Dublin |
![]() | Ilana Porat | 19 | Tel-Abib |
![]() | Raffaella da Carolis[29] | 20 | Umbria |
![]() | Marlene Leeson[30] | 19 | Scotia |
![]() | Brita Gerson | 18 | Lungsod ng Luksemburgo |
![]() | Rannveig Ólafsdóttir[31] | 18 | Reikiavik |
![]() | Catharina Lodders[32] | 20 | Haarlem |
![]() | Kaarina Leskinen[33] | 17 | Helsinki |
![]() | Palmira Ferreira | 18 | Lisboa |
![]() | Monique Lemaire[34] | 20 | Paris |
![]() | Roxsana Chiang[35] | 19 | Taipei |
![]() | Jackie White[36] | 20 | Derbyshire |
![]() | Margareth Melin | 21 | Estokolmo |
![]() | Yvonne Ficker[37] | 18 | Johannesburg |
![]() | Chung Tae-ja[38] | 23 | Seoul |
![]() | Magda Michailides | 18 | Nicosia |
![]() | María Noel Genovese[22] | 18 | Montevideo |