Miss Universe 2003

Ang Miss Universe 2003 ay ang ika-52 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Figali Convention Center, Lungsod ng Panama, Panama noong 3 Hunyo 2003.[1][2]

Miss Universe 2003
Amelia Vega
Petsa3 Hunyo 2003
Presenters
  • Billy Bush
  • Daisy Fuentes
Entertainment
PinagdausanFigali Convention Center, Lungsod ng Panama, Panama
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
  • TVN
Lumahok71
Placements15
Bagong saliSerbya at Montenegro
Hindi sumali
  • Gana
  • Hilagang Kapuluang Mariana
  • Honduras
  • Kapuluang Birheng Britaniko
  • Kapuluang Birhen ng Estados Unidos
  • Kenya
  • Portugal
  • Tsile
  • Urugway
Bumalik
  • Arhentina
  • Bagong Silandiya
  • Barbados
  • Belis
  • Taywan
NanaloAmelia Vega
Republikang Dominikano Republikang Dominikano
CongenialityKai Davis
Antigua at Barbuda Antigua at Barbuda
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanAmelia Vega
Republikang Dominikano Republikang Dominikano
PhotogenicCarla Tricoli
Puerto Rico Porto Riko
← 2002
2004 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Justine Pasek ng Panama si Amelia Vega ng Republikang Dominikano bilang Miss Universe 2003.[3][4] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Republikang Dominikano sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Mariángel Ruiz ng Beneswela, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Cindy Nell ng Timog Aprika.[5][6]

Mga kandidata mula sa pitumpu't-isang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Billy Bush at Daisy Fuentes ang kompetisyon. Nagtanghal sina Chayanne at Bond sa edisyong ito. Ito ang unang edisyon na ipinalabas sa NBC.

Kasaysayan

Lungsod ng Panama, ang host city ng Miss Universe 2003

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

Sa pagtatapos ng Miss Universe 2002, inanunsyo ng mga host na sina Phil Simms at Daisy Fuentes na ang ika-52 edisyon ng kompetisyon ay magaganap sa Lungsod ng Panama, Panama. Ito ang ikalawang beses na naganap ang kompetisyon sa Panama; nag unang pagkakataong idinaos ang kompetisyon ay naganap noong 1986.[7][8] Naganap ang kompetisyon sa noo'y-kakagawa lang na Figali Convention Center.[9]

Dahil sa SARS outbreak na naganap noong panahong iyon, hinihiling ng noo'y-alkalde ng Lungsod ng Panama na si Juan Carlos Navarro na magpakita ng mga medikal na sertipikasyon at iba pang mga dokumento ang mga kandidata na nakasulat sa wikang Ingles at Espanyol nang hindi bababa sa dalawang araw bago sila dumating sa Lungsod ng Panama upang matiyak na hindi kakalat ang virus sa lungsod, gayundin sa bansang Panama.[10]

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa pitumpu't-isang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

Iniluklok si Nour El-Semary bilang kinatawan ng Ehipto matapos bumitiw si Miss Egypt 2003 Horreya Farghally dahil sa haka-hakang siya ay patagong ikinasal.[11] Iniluklok si Katrin Susi bilang kinatawan ng Estonya dahil hindi pasok sa age requirement ng Miss Universe si Miss Estonia 2003 Maili Nomm.[12][13] Iniluklok si Iwona Makuch bilang kinatawan ng Polonya matapos magdesisyon ni Miss Poland 2002 Marta Matyjasik[14] na unahin muna ang kanyang pag-aaral.[15] Dapat sanang lalahok si Miss Czech Republic 2002 Kateřina Průšová, ngunit siya ay napalitan ni Kateřina Smržová dahil sa mahina si Průšová sa pakikipag-usap gamit ang wikang Ingles.[16][17]

Dapat sanang lalahok si Miss Russia 2002 Svetlana Koroleva sa edisyong ito, ngunit dahil lumahok ito sa Miss Europe 2002 at nanalo,[18] hindi na maaaring lumahok si Koroleva sa Miss Universe. Isang maliit na pageant ang inorganisa ng Miss Russia Organization upang magkaroon ng kinatawan ang Rusya sa Miss Universe, na siyang pinalanunan ni Yulia Ahonkova. Gayunpaman, dahil hindi pasok sa age requirement si Ahonkova, pinili na lamang ng Miss Russia Organization si Nizhny Novgorod upang lumahok sa edisyong ito, ngunit tinanggihan ng Miss Universe Organization ang paglahok ni Novgorod dahil sa kanyang mga litratong hubad sa Playboy Russia.[19] Sa huli, iniluklok na lamang ang runner-up ng Miss Russia 2002 na si Oksana Bondarenko upang lumahok sa Miss Universe.

Mga pagbalik at mga pag-urong sa kompetisyon

Unang sumali sa edisyong ito ang bansang Serbya at Montenegro, at bumalik ang mga bansang Arhentina, Bagong Silandiya, Barbados, Belis, at Taywan. Huling sumali noong 1999 ang Barbados, noong 2000 ang Belis, at noong 2001 ang Arhentina, Bagong Silandiya, at Taywan.

Hindi sumali sina Bethsaida Smith ng Kapuluang Birheng Britaniko at Kimberly Castro Reyes ng Hilagang Kapuluang Mariana dahil sa pinansiyal na dahilan. Hindi sumali ang mga bansang Gana, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kenya, Portugal, Tsile, at Urugway sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.

Bumitiw sa kompetisyon si Miss Iceland 2002 Manuela Ósk Harðardóttir dulot ng dehydration sa kasagsagan ng paunang kompetisyon.[20][21] Hindi sumali sina Donna Tuara ng Kapuluang Cook at Joyce Ramarofahatra ng Madagaskar dahil sa pinansiyal na dahilan. Hindi sumali si Tiziana Mifsud ng Malta dahil natanggalan ng lisensya ang kanilang mga organisasyon upang magpadala ng kandidata sa Miss Universe.[22] Hindi sumali sina Mounia Achlaf ng Alherya at Melanie Putria Dewita Sari ng Indonesya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[23][24]

Partisipasyon ng Beneswela sa Miss Universe

Noong 9 Mayo 2003, inanunsyo ng Miss Venezeula Organization na hindi lalahok si Miss Venezuela 2002 Mariángel Ruiz dahil sa mahigpit na kontrol sa foreign exchange na ipinataw ng noo'y Pangulo ng Beneswela na si Hugo Chávez upang maiwasan ang capital flight.[25] Ito ang naging dahilan upang hindi makuha ng organisasyon ang kanilang mga pondo sa dolyar upang maipadala si Ruiz sa Panama na siyang humantong sa pagbitiw ni Ruiz.[26] Ayon sa pangulo ng Miss Venezuela Organization na si Osmel Sousa, USD $80,000 ang franchise fee na kinakailangan upang maipadala si Ruiz sa Panama. Gayunpaman, pinigilan ng negoysanteng Benesolanong si Gustavo Cisneros ang pagbitiw ni Ruiz at pinondohan niya ito papuntang Panama.[27][28] Ito ay matapos hikayatin ng noo'y-Pangulo ng Panama na si Mireya Moscoso si Cisneros na magkaroon ng kandidata ang Beneswela sa Miss Universe.[29]

Mga resulta

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2003 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

PagkakalagayKandidata
Miss Universe 2003
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10
Top 15

Mga espesyal na parangal

ParangalNagwagi
Miss Photogenic
Miss Congeniality
Best National Costume

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Mula sa sampu ng nakaraang taon, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview. Lumahok sa evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay pinili ang sampung mga semi-finalist. Lumahok sa swimsuit competition ang sampung mga semi-finalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round at final question.[32]

Komite sa pagpili

  • Maria Celeste Arraras – Portorikenyang awtor at broadcast journalist para sa Telemundo[32]
  • Deborah Carthy-Deu – Miss Universe 1985 mula sa Porto Riko[32]
  • Roberto Cavalli – Italyanong fashion designer[32]
  • Richard Johnson – Amerikanong mamamahayag para sa The Washington Post[32]
  • Amelia Marshall – Amerikanang aktres[32]
  • Audrey Quock – Amerikanang modelo at aktres[32]
  • Peter Reckell – Amerikanong aktor[32]
  • Mathew St. Patrick – Amerikanong aktor[32]
  • Fernanda Tavares – Brasilenyang supermodel[32]

Mga kandidata

Pitumpu't-isang kandidata ang kumalahok para sa titulo.[33]

Bansa/TeritoryoKandidataEdad[a]Bayan
AlemanyaAlexsandra Vodjanikova[34]19Munich
AlbanyaDenisa Kola[33]20Peshkopi
AnggolaAna Sebastião[35]19Luanda
Antigua at BarbudaKai Davis[36]23Saint John's
ArhentinaLaura Romero[37]22La Plata
ArubaMalayka Rasmijn[33]26Paradera
AustralyaAshlea Talbot[38]19Sydney
Bagong SilandiyaSharee Adams[39]23Auckland
BahamasNadia Johnson[33]21Eleuthera
BarbadosNadia Forte[33]20Bridgetown
BelhikaJulie Taton[40]19Jambes
BelisBecky Bernard[33]21Belize City
BeneswelaMariángel Ruiz[41]23Maracay
BrasilGislaine Ferreira[42]19Belo Horizonte
BulgaryaElena Tihomirova[43]22Panagyurishte
BulibyaIrene Aguilera[44]24Santa Cruz de la Sierra
CuraçaoVanessa van Arendonk[33]22Willemstad
EhiptoNour El-Semary[45]22Cairo
EkwadorAndrea Jácome[46]23Guayaquil
El SalvadorDiana Valdivieso[47]20Ahuachapán
EslobakyaPetra Mokrošová[48]20Michalovce
EslobenyaPolona Baš[49]21Maribor
EspanyaEva González[50]22Sevilla
Estados UnidosSusie Castillo[51]23Lawrence
EstonyaKatrin Susi[52]23Tallin
GresyaMarietta Chrousala[53]20Atenas
GuwatemalaFlorecita Cobian[54]19Antigua
GuyanaLeanna Damond[55]25New Amsterdam
HamaykaMichelle Lecky[56]25Kingston
HaponMiyako Miyazaki[57]25Kumamoto
IndiyaNikita Anand[58]19New Delhi
IrlandaLesley Flood[59]21Limerick
IsraelSivan Klein[60]19Herusalem
ItalyaSilvia Ceccon[61]20Vicenza
KanadaLeanne Marie Cecile[62]26Tecumseh
Kapuluang KaymanNichelle Welcome[63]23Bodden Town
KolombyaDiana Mantilla[64]21Bucaramanga
Kosta RikaAndrea Ovares[65]22San José
KroasyaIvana Delic[66]23Rijeka
MalaysiaElaine Daly[67]26Kuala Lumpur
MawrisyoMarie-Aimée Bergicourt[68]24Terre Rouge
MehikoMarisol González[69]20Torreón
NamibyaNdapewa Alfons[70]24Windhoek
NiheryaOhumotu Bissong[71]19Yala
NikaragwaClaudia Salmeron[72]25Managua
NoruwegaHanne-Karine Sørby[73]24Oslo
OlandaTessa Brix[33]22Oud-Beijerland
PanamaStefanie de Roux[74]20Lungsod ng Panama
PeruClaudia Ortiz de Zevallos[75]21Arequipa
PilipinasCarla Gay Balingit[76]19Angeles
PinlandiyaAnna Maria Strömberg[77]20Kristinestad
PolonyaIwona Makuch[15]21Kielce
Porto RikoCarla Tricoli[78]21Vieques
PransiyaEmmanuelle Chossat[79]23Paris
Republikang DominikanoAmelia Vega[80]18Santiago
Republikang TsekoKateřina Smržová[81]22Praga
RusyaOlesya Bondarenko[82]24Khabarovsk
Serbiya at MontenegroSanja Papić[83]19Novi Sad
SingapuraBernice Wong[84]25Singapura
SuwesyaHelena Stenbäck[85]23Piteå
SuwisaNadine Vinzens[86]19Chur
TaylandiyaYaowalak Traisurat[87]19Nakhon Si Thammarat
TaywanSzu-Yu Chen[88]25Taipei
Timog AprikaCindy Nell[89]21Johannesburg
Timog KoreaKeum Na-na[90]19Daegu
Trinidad at TobagoFaye Alibocus[91]23San Fernando
TsinaWu Wei[92]23Fuzhou
TsipreIvi Lazarou[33]20Limassol
TurkiyaÖzge Ulusoy[93]20Istanbul
UkranyaLilja Kopytova[33]18Dnipro
UnggaryaViktoria Tomozi[33]20Budapest

Mga tala

Mga sanggunian

Panlabas na kawing