Mediolanum

Ang Mediolanum, ang sinaunang lungsod kung saan nakatayo ngayon ang Milan, ay orihinal na isang Insubre na lungsod, ngunit pagkatapos ay naging isang mahalagang lungsod ng Roma sa hilagang Italya. Ang lungsod ay pinanirahan ng mga Insubre noong 600 BK, nasakop ng mga Romano noong 222 BK, at naging pangunahing sentro ng Kanlurang Kristiyanismo at impormal na kabisera ng Kanlurang Imperyong Romano. Ito ay dumausdos sa ilalim ng mga pananalasa ng Digmaang Gotiko, ang pagbihag nito ng mga Lombardo noong 569, at ang kanilang desisyon na gawin ang Ticinum na kabesera ng kanilang Kaharian ng Italya.

Isang seksiyon ng Romanong tore (11 m ang taas) na may 24-na gilid na tore

Sa panahon ng Prinsipado ang populasyon ay 40,000 noong AD 200; nang ang lungsod ay naging kabesera ng Kanlurang Imperyong Romano sa ilalim ng emperador na si Maximiano (r. 286–305), ang populasyon ay tumaas sa 100,000 katao at sa gayon ang Milan ay naging isa sa pinakamalaking lungsod sa Romanong Italya.[1][2][3]

Mga tala

Mga sanggunian