Marina (mang-aawit)

Si Marina Nakamura (中村 真里奈, Nakamura Marina, ipinanganak noong Pebrero 7, 1987) o mas kilala sa pangalang Marina ay isang Hapong mang-aawit galing sa Miyazaki Prefecture. Nagsimula ang karera ni Marina noong 2010 sa pagkanta ng mga kanta para sa anime na Angel Beats! bilang isa sa mga mangangawit ng kathang-isip na bandang Girls Dead Monster. Noong Mayo 2013, sinimulan niya ang kanyang karerang solo, at inilabas niya ang kantang "Kimi Tsubasa".

Marina
Pangalan noong ipinanganakMarina Nakamura (中村 真里奈, Nakamura Marina)
Kapanganakan (1987-02-07) 7 Pebrero 1987 (edad 37)
Miyazaki, Hapon
GenrePop
TrabahoMang-aawit
Taong aktibo2010–kasalukuyan
Label
  • Key Sounds Label (2010)
  • 5pb. (2013–kasalukuyan)
Websitenakamuramarina.net

Karera

Si Marina ay may pagkagusto sa musika simula ng kanyang pagkabata. Sumasali siya sa mga paligsahan sa pagkanta sa Miyazaki Prefecture, Hapon. Noong 2010, nagsimula ang kanyang karera bilang isa sa mga mangangawit ng kathang-isip na bandang Girls Dead Monster sa anime na Angel Beats![1][2]. Si Marina ang bokalista ng karakter na si Masami Iwasawa, habang ang pangalawang bokalista, si LiSA, ay kumanta bilang si Yui.[2] Bilang Girls Dead Monster, naglabas si Marina ng dalawang single noong 2010, ang "Crow Song" noong Abril 23, at ang "Last Song" noong Disyembre 8.[3][4] Unang lumabas si Marina sa Animelo Summer Live noong Agosto 28, 2010.[5]

Mula 2010 hanggang 2012, si Marina ay itinatampok sa mga album ng mga iba't ibang mangangawit katulad ng Deco*27, Sasakure.UK, at Gokigen Sound. Noong 2012, kinanta niya ang "Kaihō no Hi" (解放の日) para sa larong Liberation Maiden. Nilabas niya ang kanyang unang single, ang "Kimi Tsubasa" (キミ∽ツナグ) noong Mayo 29, 2013.[6]

Discography

Mga single

TaonKantaPinakamataas na Oricon
chart position
Mga certificationAlbum
2010"Crow Song"7[7]JP: Gold[8]
"Last Song"2[9]
2013"Kimi Tsubasa"[6]

Mga ibang paglabas sa mga album

TaonMga kantaAlbumMga talaRef.
2012"Birth (Yūkyū no Meguriboshi)"Conception: Ore no Kodomo o Undekure! Original SoundtrackGinamit sa larong Conception: Ore no Kodomo o Undekure![10]
"Hatsukoi Rhythm"Kimi Kare: Shingakki Drama CD+αGinamit sa kantang Kimi Kare: Shingakki[11]
2013"Kake Tsuki no Yoru ni"Imperial ArcGinamit sa larong Tsukumono Kanade: Kaketsuki no Yasōkyoku[12]

Mga ibang paglabas sa mga video album

TaonMga kantaVideo albumMga artistaMga talaRef.
2011"Alchemy"
"Brave Song"
Animelo Summer Live 2010: Evolution 8.28Mga iba't ibang mga artistaAng "Brave Song" ay kinanta kasama nina Lia ay LiSA.[13]


Mga sanggunian