Mamalohiya

Sa soolohiya, ang mamalohiya ay ang pag-aaral ng mga mamalya - isang uri ng bertebrado (hayop na may gulugod) na may katangian tulad ng metabolismong homeotermiko, balahibo, pusong may apat na kompartamento, at kumplikadong sistemang nerbiyos.[1] Patuloy na lumalago ang mga arkibo ng bilang ng mga mamalya sa daigdig, subalit kasalukuyang itinakda ang 6,495 iba't ibang espesye ng mamalya kabilang ang kamakailan lamang nalipol na.[2] Mayroong 5,416 buhay na mga mamalya ang natukoy sa daigdig at tinatayang may 1,251 bagong tuklas simula pa noong 2006.[2] Kabilang sa sangay ng mamolohiya ang likas na kasayayan, taksonomiya at sistematiko, anatomiya at pisyolohiya, etolohiya, ekolohiya at ang pamamahala at pagpipigil.[3] Tinatawag na mamalohista ang mga nag-aaral at nagmamasid ng mga mamalya at sila'y tipikal na nasasangkot sa mga gawain tulad ng pananaliksik, pamamahala ng mga manggawa, at pagsusulat ng mga mungkahi.[4][5]

Sumasanga ang mamalohiya sa ibang disiplina na nakatuon sa taksonomiya tulad ng primatolohiya (pag-aaral ng mga primado), at cetolohiya (pag-aaral ng mga cetacea). Tulad ng ibang mga pag-aaral, kabilang ang mamalohiya ng soolohiya, na bahagi ding ng biyolohiya, ang pag-aaral ng lahat ng mga buhay na bagay.

Mga sanggunian