pagbaha, pagguho ng lupa, sunog, pagkasira ng mga estruktura at insidenteng nukleyar
Akselerasyon ng lupa
0.35g
Tsunami
Oo
Pagguho ng lupa
Oo
Mga kasunod na lindol
humigit kumulang 315 (30 pataas abf 6.0 MW)
* Deprecated
See documentation.
Ang Lindol at tsunami sa Tōhoku (東北地方太平洋沖地震,Tōhoku Chihō Taiheiyō-oki Jishin[7], literal na "Lindol sa pampang ng Karagatang Pasipiko sa Rehiyon ng Tōhoku") ay isang 9.0MW[2][8] megathrust earthquake sa baybayin ng Hapon na nangyari noong 05:46 UTC (14:46 lokal na oras) noong 11 Marso 2011.[9][10] Ang sentro ay naiulat sa 130 kilometro (81 mi) silangang baybayin ng Tangway ng Oshika, Tōhoku, kasama ang hypocenter sa ilalim na 24.4 kilometro (15.2 milya).[11][12]
Ang Mapa ng Sendai, Lindol noong 2011
Naging tanda ang lindol para magkaroon ng babala ukol sa tsunami at paglikas ng karamihang Hapones sa baybaying Pasipiko at humigit kumulang 20 na bansa, kasama na buong baybaying Pasipiko ng Hilagang Amerika at Timog Amerika.[13][14][15] Nakagawa ng tsunami ang mga lindol na may taas na 10 metro (33 tal) na nakasalanta sa buong bansa, kasama na ang mga maliliit na alon na dumating sa iba pang mga bansa [10], kasama na ang mga kinakailangang alon at nakaapekto hanggang sa Chile, na kung saan ay nasa kabilang panig pa ng mundo mula sa Hapon. Sa Hapon, ang mga alon ay iniulat na mayroong nalakbay na 10 kilometro (6 mi) papasok sa interyor ng bansa.[16]
Mayroon na itong napatay na 15,897 ang patay,[17] at humigit kumulang na 2,532 katao ang nawawala[18] mga katao ang iniulat na nawawala sa anim na prepektura.[19] Nagsanhi ang lindol ng malawakang pagkasira sa Hapon, kasama na ang mabigat na pagkasira sa mga daan at daanang bakal kasama na rin ang mga malawakang sunog sa maraming lugar, at isang dam ang bumigay.
Nagawa ng lindol na tantiya sa Sendaisa isa sa mga lindol na tumama sa Hapon at isa sa limang pinakamalalakas na lindol sa buong mundo simula na magsimula ang pagtatala ng mga ito.[20][21][22]