Lalawigan ng Suphan Buri

Ang Suphan Buri (Thai: สุพรรณบุรี,binibigkas [sù.pʰān būrīː]) na matatagpuan sa gitnang rehiyon ng Taylandiya, ay isa sa 76 na lalawigan ng bansa (จังหวัด, changwat), ang unang antas na mga dibisyong administratibo. Ang mga karatig na lalawigan ay (mula sa hilaga ng pakanan) Uthai Thani, Chai Nat, Sing Buri, Ang Thong, Phra Nakhon Si Ayutthaya, Nakhon Pathom, at Kanchanaburi . Noong 2018, ang lalawigan ay may naitalang populasyon na humigit-kumulang 848,700, na kumakatawan sa humigit-kumulang 1.28% ng populasyon ng bansa.[4]

Suphan Buri

สุพรรณบุรี
(paikot pakanan mula sa taas kaliwa) Alaalang Don Ched, Wat Pa Lelai Worawihan, Liwasang Budistang langit at impiyerno sa Wat Phai Rong Wua, Replika ng Tsinong nayon sa Dragon Descendants Museum, Liwasang Pambansang Phu Toei, Higanteng Estatwang Dragon ng Dragon Descendants Museum malapit sa Suphan Buri Tutelary Shrine
Watawat ng Suphan Buri
Watawat
Opisyal na sagisag ng Suphan Buri
Sagisag
Palayaw: 
Suphan
Map of Thailand highlighting Suphan Buri province
Map of Thailand highlighting Suphan Buri province
BansaTaylandiya
CapitalSuphan Buri
Pamahalaan
 • GovernorNatthapat Suwanprateep (simula Oktubre 2020)
Lawak
 • Kabuuan5,358 km2 (2,069 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-39
Populasyon
 (2018)[2]
 • Kabuuan848,720
 • RanggoIka-29
 • Kapal158/km2 (410/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadIka-24
Human Achievement Index
 • HAI (2017)0.5403 "low"
Ika-68
Sona ng orasUTC+7 (ICT)
Postal code
72xxx
Calling code035
Kodigo ng ISO 3166TH-72
Websaytsuphanburi.go.th

Toponimo

Ang salitang suphan ay nagmula sa salitang Sanskrito na Suvarna (Devanagari: सुवर्ण), ibig sabihin ay 'ginto', at ang salitang buri mula sa Sanskrit purī (Devanagari: पुरी), ibig sabihin ay 'bayan' o 'lungsod'. Kaya ang pangalan ng lalawigan ay literal na nangangahulugang 'lungsod ng ginto'.

Heograpiya

Ang kalupaan ng lalawigan ay halos mababang kapatagan ng ilog, na may maliliit na hanay ng bundok sa hilaga at kanluran ng lalawigan. Ang dakong timog-silangan na may napakababang kapatagan ng Ilog Tha Chin ay lugar ng pagsasaka ng palay. Ang kabuuang lugar ng kagubatan ay 631 square kilometre (244 mi kuw) o 11.7 porsiyento ng sakop ng lalawigan.[5] Mayroong isang liwasng pambansa, kasama ang walong iba pang liwasang pambansang, ang bumubuo sa rehiyon 3 (Ban Pong) ng mga protektadong lugar ng Thailand. Ang Liwasang Pambansa ng Phu Toei ay 317 square kilometre (122 mi kuw).[6]

Kasaysayan

Maaaring ang Suphan Buri ang lugar ng maalamat na Suvarnabhumi, na binanggit sa napakatandang mga kasulatang Budista.[7] Gayunpaman ang unang nakumpirma na makasaysayang pag-areglo ay sa panahon ng Dvaravati, nang ang lungsod ay kilala bilang Mueang Thawarawadi Si Suphannaphumi ('ang Dvaravati na lungsod ng Suvarnabhumi'). [8] Nangyari ang pagkakatatag nito bandang 877–882. Sa panahon ng haring Ankorian na si Jayavarman VII, ginawa ang inskripsiyon na tinatawag na Prasat Phra Khan (จารึกปราสาทพระขรรค์) at binanggit ang pangalan ng Suvarnapura .[9] Nang maglaon ay tinawag itong U Thong, at minsang pinaniniwalaan na ang tahanan ni Prinsipe U Thong, ang nagtatag ng Kahariang Ayutthaya. Binigyan ito ni Haring Khun Luang Pha Ngua ng kasalukuyang pangalan. Ang Suphan Buri ay isang hangganang lungsod, at ang lugar ng ilang pakikipaglaban sa mga kalapit na Burmes.

Ekonomiya

Ang lalawigan ay ang pinakamalaking producer ng mga apulid sa Taylandiya (Thai: ลูกแห้ว, RTGS: luk haeo), pangunahing tumutubo sa Mueang Suphan Buri, Sam Chuk, at mga Distrito ng Si Prachan ng lalawigan. Humigit-kumulang kalahati ng 3,000 rai ng mga nilinang apulid ng lalawigan ay matatagpuan sa Tambon Wang Yang ng Si Prachan. Ang gulay ay nakarehistro bilang isang indikasyong heograpiko (GI) na produkto ng Suphan Buri noong 2017.[10] Ang Taylandes na minatamis na thapthim krop (Thai: ทับทิมกรอบ), na may mga abulid bilang pangunahing sangkap nito, ay pinangalanang isa sa pinakamahusay na 50 minatamis sa mundo noong 2019 ng CNN Travel.[11]

Mga dibisyong administratibo

Mapa ng 10 distrito

Pamahalaang panlalawigan

Ang lalawigan ay nahahati sa 10 distrito (amphoe). Ang mga distrito ay nahahati pa sa 110 mga subdistrito (tambon) at 977 mga nayon (muban).

  1. Mueang Suphan Buri
  2. Doem Bang Nang Buat
  3. Dan Chang
  4. Bang Pla Ma
  5. Si Prachan
  1. Don Chedi
  2. Song Phi Nong
  3. Sam Chuk
  4. U Thong
  5. Nong Ya Sai

Mga sanggunian