Kinematika

Ang Lihukan o Kinematika (Ingles:Kinematics) ay isang sangay ng klasikong mekanika na naglalarawan ng paggalaw ng mga punto, mga katawan (mga bagay) at mga sistema ng mga katawan (mga pangkat ng mga bagay) nang walang pagsasaalang-alang sa dahilan ng paggalaw.[1][2][3] Ang termino ay isang bersiyong Ingles ni A.M. Ampère na cinématique,[4] na kung saan ay bhinuo niya mula sa Griyegong κίνημα kinema ("pagkilos, paggalaw"), na nagmula rin sa κινεῖν kinein ("kumilos, gumalaw").[5][6]

Mga kinematikong kantidad ng klasika na partikulo: bigat m, posisyon r, belosida v, akselerasyon a.

Kadalasang tinutukoy ang pag-aaral ng kinematika sa "heometriya ng paggalaw".[7]

Para mailarawan ang paggalaw, pinag-aaralan sa kinematika ang tilapon (trajectory) ng mga punto, mga linya at iba pang bagay heometrika at ang kanilang katangiang diperensiyal tulad ng belosidad at akselerasyon. Ginagamit ang Kinematika sa astropisika para mailarawan ang paggalaw ng mga selestiyal na katawan at mga sistema, at sa inhinyeriyang mekanikal, robotika at biomekanika,[8] ginagamit ito upang mailarawan ang paggalaw ng mga sistemang binubuo ng mga pinagsamang mga bahagi (mga sistema ng maramihang-uganayan) tulad ng makina, isang robotikong kamat o ang kalansay ng katawan ng tao.

Talababa

Malayuang Pagbabasa

  • Koetsier, Teun (1994), "§8.3 Kinematics", sa Grattan-Guiness, Ivor (pat.), Companion Encyclopedia of the History and Philosophy of the Mathematical Sciences, bol. 2, Routledge, pp. 994–1001, ISBN 0-415-09239-6{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Moon, Francis C. (2007). The Machines of Leonardo Da Vinci and Franz Reuleaux, Kinematics of Machines from the Renaissance to the 20th Century. Springer. ISBN 978-1-4020-5598-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Eduard Study (1913) D.H. Delphenich translator, "Foundations and goals of analytical kinematics".

Mga kawing panlabas

Wiktionary
Tingnan ang kinematics sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.