Kim Ah-joong

Si Kim Ah-joong (ipinanganak Oktubre 16, 1982) ay isang artista, modelo at mang-aawit mula sa bansang Timog Korea. Nagtapos siya ng kanyang digri ng master sa pamamahayag sa Unibersidad ng Korea.[2] Unang lumabas si Kim sa pelikulang When Romance Meets Destiny (2005).

Kim Ah Joong
Kapanganakan16 Oktubre 1982[1]
  • (Seoul Capital Area, Timog Korea)
MamamayanTimog Korea
NagtaposUnibersidad ng Korea
Trabahoartista, artista sa pelikula, mang-aawit, modelo

Lumabas siya sa ilang mga patalastas at ang una niyang pagganap bilang panguhaing tauhan ay sa Koreanovelang Bizarre Bunch.[3] Nagkaroon siya ng pambihirang tagumpay sa pelikulang komedya na 200 Pounds Beauty, kung saan gumanap siya bilang isang babaeng labis ang bigat na sumailalim sa pag-operang kosmetiko upang magkaroon ng malawak na pagkilala. Naparangalan siya ng Pinakamahusay na Aktres sa 2007 Grand Bell Awards. Naglabas siya ng mga soundtrack para sa pelikula, ang "Beautiful Girl" at ang bersyong Koreano ng awiting "Maria". Nanalo ang "Beautiful Girl" sa Digital Music Awards ng "Awit ng Buwan." [4]

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.