Katodong sinag

Ang katodong sinag (sa Ingles: cathode ray), na tinatawag ding sinag ng elektron (Ingles: electron beam o e-beam), ay tumutukoy sa mga daloy (mga stream) ng mga elektron na mapagmamasdan sa mga tubong bakyum (mga vacuum tube).

Isang sinag ng ng mga katodo na bumaluktot sa isang bilog ng isang magnetic field na nalikha sa pamamagitan ng isang rolyong Helmholtz. Kadalasang hindi nakikita ang mga katodong sinag; sa tubong ito, ang tamang natirang gas ay iniwang upang ang atomo ng gas ay magliwanag mula sa fluorescence kapag tumama ito sa pamamagitan ng mabilisang paggalaw ng mga elektron.

Una silang naobserbahan noong 1859 ng pisikong Aleman na si Julius Plücker at Johann Wilhelm Hittorf,[1] at pinangalanan noong 1876 ni Eugen Goldstein bilang Kathodenstrahlen, o mga katotong sinag.[2][3] Noong 1897, ipinakita ng pisikong Britanyo na si J. J. Thomson na ang mga cathode ray ay binubuo ng dati nang hindi kilalang partikulo na may negatibong charge, na kalaunan ay pinangalanang elektron. Gumagamit ang mga cathode-ray tube (CRTs) ng nakatutok na sinag ng mga elektron na pinalihis ng mga electric o magnetic field upang mag-render ng larawan sa isang screen.

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.