Kalinisang pambibig

Ang kalinisang pangngipin (Ingles: dental hygiene), o sa malawak na katawagan ay kalinisang pambibig (Ingles: oral hygiene), ay ang gawain ng pangangalaga at pagpapanatili sa kalinisan ng bibig at ngipin upang maiwasan ang mga suliraning pangngipin at pambibig, na pinaka karaniwan ang mga butas o biyak sa ngipin, pamamaga ng gilagid, at masamang amoy ng hininga. Mayroon ding mga kalagayan ng patolohiyang pambibig kung saan kailangan ang mabuting paglilinis ng bibig upang gumaling at rehenarasyon ng mga tisyung nasa bibig. Ang mga kalagayang ito ay kinabibilangan ng pamamaga ng gilagid (gingivitis), periodontitis, at traumang pangngipin,[1] na katulad ng subluksasyon,[2] mga bukol sa bibig, [3] at ang panahon pagkaraan ng pagbunot (ekstrasiyon) ng ngiping tinatawag na "ngipin ng karunungan" (wisdom tooth).

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.