Kaliningrad Oblast

Ang Oblast ng Kalininggrado (bigkas: OB-last; Ruso: Калинингра́дская о́бласть, Kaliningradskaya oblast; Ingles: Kaliningrad Oblast) ay isang kasaping federal ng Rusya (isang oblast) na matatagpuan sa baybay ng Dagat Baltiko. Ito ay may populasyon na 955,281[11] (taong 2002).

Kaliningrad Oblast
Калининградская область (Ruso)
—  Oblast  —

Watawat

Sagisag
Koordinado: 54°48′N 21°25′E / 54.800°N 21.417°E / 54.800; 21.417
Kalagayang politikal
BansaRusya
Kasakupang pederalHilaga-kanluran[1]
Rehiyong pang-ekonomikoKaliningrad[2]
Itinatag noongAbril 7, 1946[3]
Sentrong AdministratiboKaliningrad[4]
Pamahalaan (batay noong Agosto 2010)
 - Gobernador[5]Nikolay Tsukanov[6]
 - LehislaturaOblast Duma[5]
Estadistika
Lawak (batay noong Sensus ng 2002)[7]
 - Kabuuan15,100 km2 (5,830.1 sq mi)
Ranggo ng lawakika-76
Populasyon (Sensus ng 2010)[8]
 - Kabuuan941,873
 - RanggoIka-56
 - Kakapalan[9]62.38/km2 (161.6/mi kuw)
 - Urban77.6%
 - Rural22.4%
(Mga) Sona ng OrasUSZ1 (UTC+03:00)
ISO 3166-2RU-KGD
Paglilisensiya ng plaka39, 91
(Mga) Opisyal na WikaRuso[10]
www.gov39.ru Opisyal na websayt

Ang oblast na ito ay nagsisilbing pinakakanluraning bahagi ng Pederasyong Ruso, ngunit wala itong kaugnayang panlupa sa ibang mga bahagi ng Rusya. Ito ay napapaligiran ng Litwanya, Polonya at ng Dagat Baltiko. Ang paglalabay na direkto patungong Rusya ay magagawa lamang sa pamamagitan ng barko o eroplano. Ang pampolitikang pakakahiwalay nito ay lalong lumala nang ang Litwanya at Polonya ay naging mga kasapin ng Unyong Europeo at NATO, at nang sinalihan ng mga ito ang Sonang Schengen, kaya ang oblast na ito ay napapaligiran ngayong ng mga nasabing organisasyon.

Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng oblast na ito ay ang Kalininggrado (dating kilala bilang Königsberg).

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.