Kabihasnan ng Lambak ng Indo

Isa sa mga unang kabihasnang nabuo
(Idinirekta mula sa Kabihasnan sa Lambak ng Indo)

Ang lambak ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya. Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilagang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush. May ilang daanan o landas sa mga kabundukang ito tulad ng Daanang Khyber na nagsisilbing lagusan ng mga mandaragat, mandarayuhan at mananakop mula sa Kanlurang Asya at Gitnang Asya. Tulad ng Tigris at Euphrates na umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan, ang Indus at Ganges ay taunang umaapaw rin dahil sa parehong dahilan. Matapos humupa ang baha ay naiiwan ang bagong deposito ng banlik. Dahil dito, mataba at angkop sa agrikultural na pamumuhay ang kapatagang ito.

Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus

Tinatayang noong 3500 B.C.E lumitaw ang mga neolitikong pamayanan sa Baluchistan (nasa Pakistan ngayon)na nasa bandang kanluran ng Ilog Indus. Isa sa mga pamayanang ito ay ang Mergarh. batay sa mga nahukay na labi sa Baluchistan, agrikultural at sedentaryo ang pamumuhay ng mga tao rito.May ebidensiya rin ng pag-aalaga ng tupa,kambing, at ox. Nagsimula ang paggawa ng palayok na may pintura at paghurno ng tinapay at paggawa ng cereal. Samantala, ang kanilang mga bahay ay gawa sa ladrilyo mula sa luwad tulad ng sa Sumer21


Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kinuha sa "https:https://www.search.com.vn/wiki/index.php?lang=tl&q=Kabihasnan_ng_Lambak_ng_Indo&oldid=2099410"
🔥 Top keywords: Unang PahinaGastroenteritisNatatangi:MaghanapSakit sa ibaba ng likodImpeksiyon sa daanan ng ihiPamamaga ng lalamunanPersona non grata (Pilipinas)PulmonyaTuberkulosisKatas ng pukePananakit ng bayagSingaw (sakit)AlmuranasEid al-AdhaJosé RizalLupang HinirangNoli Me Tángere (nobela)BalisawsawWikang TagalogEat Bulaga!Iglesia ni CristoPigsaAba Ginoong MariaApendisitisGonoreaDenguePamamaga ng mataKasaysayan ng PilipinasAraw ng KalayaanIkalawang Digmaang PandaigdigHadhadPilipinasTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangerePagtutuliPagdurugo ng ilongBarangayTitiLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiEl filibusterismo