Kōhaku Uta Gassen

Ang Kohaku Uta Gassen(紅白歌合戦) o mas kilala sa tawag ng "Kohaku", ay isang taunang pang-musikang palabas sa radyo at telebisyon ng NHK sa Hapon. Nagtatapos ito 15 minuto bago sumapit ang Bagong Taon upang lumipat naman sa pambansang coverage ng mga pagsalubong sa Bagong Taon sa buong Hapon. Sa literal na kahulugan nitong "Pula at Puti Tagisan ng Pag-awit", nahahati ang programa sa dalawang grupo ng mga pinakasikat na mangaawit. Ang grupong Pula o akagumi, para sa mga babae. At ang grupong Puti o shirogumi, para sa mga lalake. Magtatagisan ngayon ang dalawang grupo sa pag-awit. Ang karangalan na makapagtanghal sa Kohaku ay sa pamamagitan lamang ng imbitasyon kaya't ang mga pinakasikat at mga pinakamatagumpay na mga J-Pop at enka na mangaawit lamang ang maaring magtanghal. Bukod sa mismong pag-awit sa entablado, mahalaga rin ang buhok, ang damit na suot, ang make-up, ang pagsayaw at mga ilaw.

Kōhaku Uta Gassen
Logo para sa ika-57 edisyon ng Kohaku
Urimusical
Pinangungunahan ni/ninaiba't ibang host bawat taon
Bansang pinagmulanHapon
WikaHapon
Bilang ng kabanata67
Paggawa
Ayos ng kameraMulti-camera setup
Oras ng pagpapalabas4 na oras at 25 minuto [alas-7:20 ng gabi hanggang alas-11:45 ng gabi]
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanNHK
Picture formatHDTV 1080i (Super HiVision sa mga malalaking tabing sa NHK Fureai Hall at NHK Osaka Hall)
Audio formatstereo
Orihinal na pagsasapahimpapawid3 Enero 1951 (1951-01-03) –
kasalukuyan
Website
Opisyal

Magpahanggang sa ngayon, malaking karangalan sa buhay ng isang mangaawit ang makapagtanghal sa Kohaku kahit minsan dahil sa lawak ng nararating ng palabas at dagdag na magandang reputasyon.

Proseso ng Pagpili ng mga Awitin

Pinipili ang mga mangaawit at mga awitin ng isang komite ng pagpili. Basehan nila ang benta ng record o album ng mangaawit at kung aangkop ba siya o ang kanyang awitin sa tema ng palabas.

Kasabay noon, nagsasagawa din sila ng mga sarbey sa maraming demographics sa kung sino at kung anong klaseng musika ang gustong marinig at makita ng iba't ibang klase ng tao. Ito at ang proseso ng pagpili ng mga awitin ang nagpapaliwanag kung paano napapagsama ang mga awitin at mangaawit ng J-Pop, enka at adult contemporary.

Subalit may mga ilang pagkakataon na may nahahalip sa proseso. Pinili ni Momoe Yamaguchi ang kanyang paboritong awitin na Hito Natsu no Keiken(ひと夏の経験)(Karanasan sa Tag-araw) sa ika-25(1974) edisyon sa kabila ng pagpili ng NHK ng ibang awitin at sa mga lirikong nagpapahiwatig ng ibang konotasyon.

Ang Palabas

Nang unang sumahimpapawid ang Kohaku sa radyo noong 1951, ang bawat pangkat ay may kakaunting magtatanghal lamang sa loob ng isang oras.

Simula noong 1989, manonood sa telebisyon ang mga tagapanood at makikinig sa radyo ang mga tagapakinig ng apat na oras sa may hindi bababa sa 25 mangaawit ang bawat pangkat.

Sa pagtatapos ng palabas, ang mga manonood sa NHK Hall, at mga panelistang hurado-mga kilalang personalidad na mayroon o walang kinalaman sa industriya ng musika-ang hahalal sa mananalong pangkat. Noon, binubuo ng bilang sa bawat ulo ang boto ng mga nanonood sa NHK Hall (ang NHK Hall na pinaggaganapan ng bawat Kohaku mula 1971, ay may kapasidad na 3,000). Isang boto ang katumbas nito.

Ngunit sa ika-54(2003) at sa ika-55(2004) mga edisyon, maari na ding bumoto ang mga manonood sa bahay sa pamamagitan ng ISDB-T (isang uri ng Digital TV broadcast), na nagsasagawa din ng kani-kaniyang headcount mula sa kani-kanilang tahanan. Sa ika-56(2005) na edisyon, puwede na ring bumoto gamit ang cellphone. Idinadagdag ang boto ng mga manonood sa tahanan at NHK Hall sa boto ng mga hurado. Panalo ang pangkat na may pinakamaraming boto. Sa ika-57(2006) na edisyon, bukod sa ISDB-T at mga cellphone, maaari na ring bumoto ang mga gumagamit ng 1seg. Ibinalik din ang dating nakagawian na sisteme ng pagboto gamit ang mga bola - mula sa ulo-ulong bilang ng mga audience at sa boto ng mga hurado.

Bukod sa mismong mga pagtatanghal, mayroon ding mga espesyal na pagtatanghal kung saan sama-samang ginagawa ng mga mang-aawit ang kanilang pagtatanghal, at ang tinatawag na "Ring Show" kung saan "nag-eehersisyo" sa pag-awit ang mga mangaawit.

Mga Resulta

Kōhaku #PetsaHost ng Pulang PangkatHost ng Puting PangkatTagapamagitanNanalong
Pangkat
13 Enero 1951Michiko KatōShuuichi FujikuraMasaharu TanabePuti
23 Enero 1952Kiyoko TangeShuuichi FujikuraMasaharu TanabePuti
32 Enero 1953Juka HondaTeru MiyataMasayori ShimuraPuti
431 Disyembre 1953Takiko MizunoeKeizo TakahashiSeigoro KitadePula
531 Disyembre 1954Natsue FukujiKeizo TakahashiShouzaburō IshiiPula
631 Disyembre 1955Teru MiyataKeizo TakahashiShouzaburō IshiiPula
731 Disyembre 1956Teru MiyataKeizo TakahashiShouzaburō IshiiPuti
831 Disyembre 1957Takiko MizunoeKeizo TakahashiShouzaburō IshiiPula
931 Disyembre 1958Tetsuko KuroyanagiKeizo TakahashiShouzaburō IshiiPula
1031 Disyembre 1959Meiko NakamuraKeizo TakahashiShouzaburō IshiiPula
1131 Disyembre 1960Meiko NakamuraKeizo TakahashiShouzaburō IshiiPuti
1231 Disyembre 1961Meiko NakamuraKeizo TakahashiToshiaki HosakaPuti
1331 Disyembre 1962Mitsuko MoriTeru MiyataShouzaburō IshiiPuti
1431 Disyembre 1963Eri ChiemiTeru MiyataShouzaburō IshiiPula
1531 Disyembre 1964Eri ChiemiTeru MiyataShouzaburō IshiiPuti
1631 Disyembre 1965Michiko HayashiTeru MiyataShouzaburō IshiiPuti
1731 Disyembre 1966Peggy HayamaTeru MiyataShouzaburō IshiiPula
1831 Disyembre 1967Yumiko KokonoeTeru MiyataShouzaburō IshiiPula
1931 Disyembre 1968Kiyoko SuizenjiKyu SakamotoTeru MiyataPuti
2031 Disyembre 1969Yukari ItoKyu SakamotoTeru MiyataPula
2131 Disyembre 1970Hibari MisoraTeru MiyataShizuo YamakawaPula
2231 Disyembre 1971Kiyoko SuizenjiTeru MiyataShizuo YamakawaPuti
2331 Disyembre 1972Naomi SagaraTeru MiyataShizuo YamakawaPula
2431 Disyembre 1973Kiyoko SuizenjiTeru MiyataShizuo YamakawaPula
2531 Disyembre 1974Naomi SagaraShizuo YamakawaMasao Domon at Youzou NakaePula
2631 Disyembre 1975Naomi SagaraShizuo YamakawaHiroshi AikawaPuti
2731 Disyembre 1976Naomi SagaraShizuo YamakawaHiroshi AikawaPula
2831 Disyembre 1977Naomi SagaraShizuo YamakawaHiroshi AikawaPuti
2931 Disyembre 1978Mitsuko MoriShizuo YamakawaHiroshi AikawaPuti
3031 Disyembre 1979Kiyoko SuizenjiShizuo YamakawaYouzou NakaePula
3131 Disyembre 1980Tetsuko KuroyanagiShizuo YamakawaYouzou NakaePula
3231 Disyembre 1981Tetsuko KuroyanagiShizuo YamakawaKeiichi UbukataPuti
3331 Disyembre 1982Tetsuko KuroyanagiShizuo YamakawaKeiichi UbukataPula
3431 Disyembre 1983Tetsuko KuroyanagiKenji SuzukiTamoriPuti
3531 Disyembre 1984Mitsuko MoriKenji SuzukiKeiichi UbukataPula
3631 Disyembre 1985Masako MoriKenji SuzukiMasaho SendaPula
3731 Disyembre 1986Yuki Saitō at Yoriko MekataYuuzou Kayama at Masaho SendaSeiichi YoshikawaPuti
3831 Disyembre 1987Akiko WadaYuuzou KayamaSeiichi YoshikawaPula
3931 Disyembre 1988Akiko WadaYuuzou KayamaKeiko SugiuraPuti
4031 Disyembre 1989Yoshiko MitaTetsuya TakedaSadatomo MatsudairaPula
4131 Disyembre 1990Yoshiko MitaToshiyuki NishidaSadatomo MatsudairaPuti
4231 Disyembre 1991Yuuko AyanoMasaaki SakaiShizuo YamakawaPula
4331 Disyembre 1992Hikari IshidaMasaaki SakaiShizuo YamakawaPuti
4431 Disyembre 1993Hikari IshidaMasaaki SakaiMiyuki MoritaPuti
4531 Disyembre 1994Emiko KaminumaIchiro FurutachiYasuo MiyakawaPula
4631 Disyembre 1995Emiko KaminumaIchiro FurutachiRyuuji Miyamoto at Mitsuyo KusanoPuti
4731 Disyembre 1996Takako MatsuIchiro FurutachiRyuuji Miyamoto at Mitsuyo KusanoPuti
4831 Disyembre 1997Akiko WadaMasahiro NakaiRyuuji MiyamotoPuti
4931 Disyembre 1998Junko KuboMasahiro NakaiRyuuji MiyamotoPula
5031 Disyembre 1999Junko KuboNakamura Kankurō VRyuuji MiyamotoPuti
5131 Disyembre 2000Junko KuboMotoya IzumiRyuuji MiyamotoPula
5231 Disyembre 2001Yumiko UdōWataru AbeTamio MiyakePuti
5331 Disyembre 2002Yumiko UdōWataru AbeTamio MiyakePula
5431 Disyembre 2003Yumiko Udō at Takako ZenbaWataru Abe at Tetsuya TakayamaTouko TakeuchiPuti
5531 Disyembre 2004Fumie OnoWataru AbeMasaaki HorioPula
5631 Disyembre 2005Mino Monta, Motoyo Yamane, Yukie Nakama, at Koji Yamamoto*Puti
5731 Disyembre 2006Yukie NakamaMasahiro NakaiTamio Miyake at Megumi KurosakiPuti
5831 Disyembre 2007Masahiro Nakai**Tsurube ShoufukuteiKazuya Matsumoto at Miki SumiyoshiPuti
5931 Disyembre 2008Yukie NakamaMasahiro NakaiKazuya MatsumotoPuti
6031 Disyembre 2009Yukie NakamaMasahiro NakaiWataru AbePuti
6131 Disyembre 2010Nao MatsushitaArashiWataru AbePuti
6231 Disyembre 2011Mao InoueArashiWataru AbePula
6331 Disyembre 2012Maki HorikitaArashiYumiko UdōPuti
6431 Disyembre 2013Haruka AyaseArashiYumiko UdōPuti
6531 Disyembre 2014Yuriko YoshitakaArashiYumiko UdōPuti
6631 Disyembre 2015Haruka AyaseYoshihiko InoharaTetsuko Kuroyanagi at
Yumiko Udō
Pula
6731 Disyembre 2016Kasumi ArimuraMasaki AibaShin'ichi TakedaPula(9-6)[1]
6831 Disyembre 2017Kasumi ArimuraKazunari NinomiyaTeruyoshi Uchimura at
Maho Kuwako
Puti

* Hanggang sa ika-55(2004) Kohaku, binubuo ang pangkat ng mga host ng isang host para sa Pulang pangkat, isang host para sa Puting pangkat, at isa o dalawang tagapamagitan. Ngunit sa ika-56(2005) na Kohaku, nawala ang papel ng mga ito sapagkat nakikisalamuha ang apat na host sa bawat pangkat. Ibinalik ang Pulang host, Puting host, at mga tagapamagitan sa ika-57(2006) Kohaku.
** Si Masahiro Nakai ang kauna-unahang lalaking host ng Pulang Pangkat mula kay Teru Miyata noong ika-6 at ika-7 edisyon. Mga babae ang kadalasang host (kahit sa magpares) ng Pulang Pangkat.

Kasikatan

Pinakapinapanood na palabas sa telebisyon ang Kohaku. Malaking dahilan nito ang pagiging pista-opisyal ng bisperas ng Bagong Taon(Omisoka) kung saan tradisyunal na sinasalubong ng bawat pamilya ang Bagong Taon sa kanilang mga tahanan. Sa paglipas ng mga taon, bumaba ang kasikatan ng Kohaku mula sa pinakamataas na ratings na 81.4% (ika-14) hanggang 30.8/39.3% (ika-55), kahit sa rehiyon ng Kanto. Masayang ibinalita ng pangulo ng NHK na si Genichi Hashimoto noong Enero 2007 na umakyat sa 47% ang kabuuang pambansang ratings ng Kohaku, marahil sa tema ng ika-57 edisyon na nagdudugtong ng mga laktaw ng henerasyon sa mga pamilya. Sa kabila ng pagbaba ng popularidad, ang Kohaku pa din ang pinakamataas na ratings na palabas ng taon.

Mga Katala-talang Pagtatanghal ng J-Pop

Ang sumusunod ay listahan ng mga katala-talang pagtatanghal na may hindi bababa sa limang pagtatampok sa Kohaku sa kanyang/kanilang ngalan. (ang bilang sa mga panaklong ay ayon sa ika-58 edisyon)

1. Nagtanghal din si Matsuura kasama si DEF.DIVA at GAM. Subalit, hindi iyon isinasama ng NHK sa kanyang bilang.

Enka at iba pang kontemporaryo

1. Binilang sina Saori Yuki at Sachiko Yasuda bilang tambalan. Hindi mabibilang bilang tambalan ang mga isahang pagtatanghal ng sinuman sa kanila.

Mga Katala-talang Dayuhang Pagtatanghal sa Kohaku

Bagaman karamihan sa mga mangaawit sa Kohaku ay mga Hapones, may ilan pa ding mga dayuhang mangaawit ang nakakapagtanghal sa palabas. Karamihan, ay galing sa mga kalapit-bansa ng Hapon. Narito ang listahan ng mga dayuhang nakapagtanghal:

Asyano

  • Friends of Love the Earth (tampok sa ika-56)(amin, Tsina; Lee Hyung-joo, Timog Korea; at Dick Lee, Singapore)
  • RYU (tampok sa ika-55)(Timog Korea)
  • Lee Jung-hyun (tampok sa ika-55)(Timog Korea)
  • BoA (tampok mula ika-53 hanggang ika-56, magtatanghal sa ika-57)(Timog Korea)
  • Twelve Girls Band (tampok sa ika-53)(Tsina)
  • Black Biscuit (tampok sa ika-49)(Taiwan)
  • Kye Eun-sook (tampok mula ika-39 hanggang ika-45)(Timog Korea)
  • Kim Yon-ja (tampok sa ika-40 at ika-45)(Timog Korea)
  • Smokey Mountain (tampok sa ika-42)(Pilipinas)
  • Teresa Teng (tampok sa ika-36, ika-37, at ika-42)(Taiwan)
  • Oyunna (tampok sa ika-41)(Mongolia)
  • Gary Valenciano (tampok sa ika-41)(Pilipinas)
  • Cho Yong-Pil (tampok sa ika-38, ika-39, at ika-41)(Timog Korea)
  • Patty Kim (tampok sa ika-40)(Timog Korea)
  • Alan Tam (tampok sa ika-40)(Hong Kong)
  • Judy Ong (tampok sa ika-30 at ika-31)(Taiwan)
  • Agnes Chan (tampok mula ika-24 hanggang ika-26)(Taiwan)

Hindi Asyano

  • Alfredo Casero (tampok sa ika-53)(Argentina)
  • Sarah Brightman (tampok sa ika-42)(Inglatera)
  • Andy Williams (tampok sa ika-42)(Estados Unidos)
  • Cyndi Lauper (tampok sa ika-41)(Estados Unidos)
  • Alyson Williams (tampok sa ika-41)(Estados Unidos)
  • Alexander Gradsky (tampok sa ika-41)(Rusya)
  • Paul Simon (tampok sa ika-41)(Estados Unidos)
  • Mickey Curtis (tampok sa ika-11)(Estados Unidos)
  • Yuna Ito (tampok sa ika-56)(Estados Unidos)
  • Leah Dizon (tampok sa ika-58)(Estados Unidos)
  • Raima Vaikure (tampok sa ika-42)(Latvia)

Mga sanggunian