Jahangir

Si Nur-ud-din Muhammad Salim[1] (Persa: نورالدین محمد سلیم), kilala sa kanyang pangalang imperyal na Jahangir (Persa: جهانگیر) (31 Agosto 1569 – 28 Oktubre 1627),[2] ay ang ikaapat na Emperador ng Imperyong Mughal, na naghari mula 1605 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1627. Nangangahulugan ang kanyang pangalang Imperyal (sa Persa) bilang 'mananakop ng mundo' (Jahan: mundo; gir: ang salitang-ugat ng pandiwang Persa na gereftan: sakupin, samsamin).

Early life

Ang kapanganakan ni Prinsipe Salim, si Jahangir sa hinaharap

Si Prince Salim, Jahangir sa kalaunan, ay ipinanganak noong Agosto 31, 1569, kay Akbar at sa kanyang paboritong konsorte,[3] si Mariam-uz-Zamani, anak ni Raja Bharmal ng Amber sa Fatehpur Sikri.[4] Namatay ang mga nakaraang anak ni Akbar noong sanggol pa lamang ang mga ito at hiningi ang pagbabasbas ng mga banal na tao upang magkaroon siya ng lalaking anak. Pinangalanan si Salim para sa isang ganoong tao, si Shaikh Salim Chisti.[4][5] Lumaki si Salim na matatas sa wikang Persa at premodernong Hindi, na may isang "kagalang-galang" na kaalaman ng wikang Turko, ang sinaunang wika ng Mughal.[6]

Mga sanggunian