Ikalawang Sulat ni Pedro

Mga Aklat ng Bibliya

Ang Ikalawang Sulat ni Pedro o 2 Pedro ay isang aklat sa Bagong Tipan na sa tradisyong Kristiyano ay isinulat ni Apostol San Pedro ngunit ayon sa mga iskolar ng Bibliya ay hindi maaaring isinulat ng isang Hudyo. Kasama ng Unang Sulat ni Pedro, nakalaan ang sulat na ito para sa mga Kristiyanong nasa Asya Menor na nakaranas ng panliligalig ng ibang mga kababayan dahil sa bago nilang relihiyon, ang Kristiyanismo, na ayon sa may akda ng Pedro ay ang "tunay na relihiyon". Ito ay kumopya sa Sulat ni Hudas.

Paglalarawan

Ang ikalawang sulat ni Pedro ay nagbibigay ng diin sa moralidad bilang isang mahalagang pagpapahalaga na pangkristiyano.[1] Ito ay bumabanggit ng tungkol sa mga sinungaling na mga guro ng pananampalataya, na nagpapalaganap ng mga erehiya o mga kamalian upang makapanlinlang ng unang mga Kristiyano. Pinasisigla ni San Pedro ang unang mga Kristiyano at pinananatili niya ang mga ito sa Kristiyanismo sa pamamaraang pagbibigay diin sa diwa na ang mga aral at pangaral ni San Pedro ay nagmumula sa Diyos at si San Pedro ang saksi ng mga aral at pangaral na ito.[2]

Mga kinopyang reperensiya

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing