Huwag kang papatay

Ang Huwag kang papatay (LXX; οὐ φονεύσεις, Hebrew: לֹא תִּרְצָח ; lo tirṣaḥ) o Huwag kayong papatay (ASND), ay isang moral na kautusan na sinama bilang isa sa mga Sampung Utos sa Torah (Exodo 20:13).[1]

Ang kautusan na hindi pagpatay ay sa konteksto ng paglabag sa batas na pagpatay na nagresulta sa sumbat sa budhi.[2]

Sumang-ayon ang Bagong Tipan na ang sadyang pagpatay ay isang matinding moral na kasamaan,[3] at pinapanatili ang pananaw ng Lumang Tipan ng sumbat ng budhi.[4] Si Jesus mismo ay inulit at pinalawak ang kautusang "Huwag kang papatay."[5] Inilalarawan si Jesus na ipinapaliwanag ang sadyang pagpatay, gayon din ang ibang kasalanan, na nagmumula sa puso.

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri.

— Mateo 15:19 (MBB)

Mga sanggunian