Elongated Man

Si Elongated Man (Randolph "Ralph" Dibny) ay isang kathang-isip na karakter, isang superhero na lumalabas sa komiks mula sa Estados Unidos na nilalathala ng DC Comics. Una siyang lumabas sa The Flash #112 (Mayo 12, 1960).[1]

Elongated Man
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasThe Flash bol. 1, #112 (Mayo 12, 1960).
TagapaglikhaJohn Broome
(panulat)
Carmine Infantino (guhit)
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanRandolph William "Ralph" Dibny
EspesyeMetahuman
Kasaping pangkatJustice League
Doom Patrol
Black Lantern Corps
Secret Six
KakampiSue Dibny
Flash (Barry Allen)
KakayahanSuperyor na deduksyong pangangatwiran
May hangganang pag-inat at ihugis ang katawan
Pinabuting liksi, at olpaktoryong pandamdam
Lubos na pinabuting katibayan
Talentadong kimiko

Nanalo ang karakter at nagkaroon ng nominasyon para sa ilang mga parangal sa loob ng mga taon, kabilang ang pagkapanalo sa Alley Award noong 1961 para sa "Pinakamahusay na Pansuportang Karakter."

Kasaysayan ng paglalathala

Nilikha si Elongated nina John Broome (panulat) at Carmine Infantino (guhit), kasama ang mahalagang kontribusyon mula sa patnugot na si Julius Schwartz, na nais ang bagong suportang karakter para kay Flash.[2] Inihayag ni Julius Schwartz na nilikha lamang si Elongated Man dahil hindi niya napagtanto na mayroon nang Plastic Man hinggil sa pagkakaroon nito ng karapatan na nakuha ng DC noong 1956 (kasabay ang iba pang pagmamay-ari ng Quality Comics). Bagaman, nabanggit nina Infantino at Murphy Anderson (tagapagtinta) na hindi niya ginamit ang karakter bilang isang reperensya para sa ano pa man.[3][4][5]

Mga sanggunian