Ekonomiyang pampamamahala

(Idinirekta mula sa Ekonomikang manedyeryal)

Ang ekonomiyang pampamamahala (Ingles: managerial economics), ayon sa kahulugan na ibinigay ni Edwin Mansfield ay nakatuon sa paglalapat ng mga diwang pang-ekonomiya at pagsusuring pang-ekonomiya sa mga suliranin ng paglikha ng makatwirang mga kapasyahang pampamamahala.[1] Paminsan-minsan itong tinutukoy bilang ekonomiks na pangnegosyo at ito ay isang sangay sa larangan ng ekonomika (ekonomiks) na naglalapat ng pagsusuring mikroekonomiko sa mga paraan ng pagpapasya ng mga kanegosyuhan o iba pang mga yunit ng pamamahala. Bilang ganiyan, pinagtatagpo nito ang teoriyang pang-ekonomiya at ang isinasagawang ekonomiks.[2] Malakihang kumukuha ito mula sa mga teknikong kuwantitatibo o pandami na katulad ng analisis ng regresyon at korelasyon, at kalkulus.[3] Kung mayroong isang nakapagkakaisang tema na tumatakbo sa halos lahat ng ekonomiks na pampamamahala, ang pagtatangka na ma-ioptimisa ang mga pagpapasyang pangnegosyo na mayroong ibinigay na mga layunin ng kompanya at ibinigay na mga balakid na ipinataw ng kakulangan, halimbawa na ang sa pamamagitan ng paggamit ng pananaliksik ng mga operasyon o mga pagpapatakbo, pagpoprogramang pangmatematika, at teoriya ng laro para sa mga kapasyahang pang-estratehiya,[4] at iba pang mga paraang pangkomputasyon.[5]

Ang mga pook na kinabibilangan ng kapasyang pampamamahala ang:

  • pagtataya ng maipupuhunang mga pondo
  • pagpili ng pook na pangnegosyo
  • pagpili ng produkto
  • pag-alam sa kinalabasang optimal
  • pag-alam ng presyo ng produkto
  • pag-alam sa kumbinasyon ng kinalabasan at teknolohiya
  • pagtataguyod na pangpagbebenta.

Halos lahat ng kapasyahang pangnegosyo ay maaaring suriin sa pamamagitan ng mga tekniko ng ekonomiks na pampamamahala, ngunit karamihan na pangkaraniwan itong inilalapat sa:

  • Pagsusuri ng panganib o risk analysis - sari-saring mga huwaran ang ginamit upang masukat ang dami ng panganib at asimetriko o hindi pantay na impormasyon at upang magamit ang mga ito sa mga panuntunan ng pagpapasya upang mapamahalaan ang panganib.[6]
  • Pagsusuri ng produksiyon o production analysis - ginagamit ang mga teknikong mikroekonomiko upang suriin ang katalaban ng produksiyon, optimal na alokasyon ng bagay, mga halaga, mga ekonomiya ng sukatan at upang matantiya ang tungkulin na panghalaga o panggastusin ng kompanya.
  • Pagsusuri ng pagpepresyo o pricing analysis - ginagamit ang mga teknikong mikroekonomiko upang suriin ang sari-saring mga kapasyahang pampresyo, kasama na ang presyo ng paglilipat, magkasanib na pagpepresyo ng produkto, diskriminasyon o pagtatangi ng presyo, pagtatantiya o estimasyon ng elastisidad o pagkanababatak ng presyo, at pagpili ng metodo ng optimal na pagpepresyo.
  • Paglalaan ng gugulin paa sa kapital (capital budgeting) - ang teoriya ng pamumuhunan (investment theory) ay ginagamit upang siyasatin ang mga kapasyahan sa pagbili na ginagamit ang kapital ng isang kompanya.[7]

Sa mga pamantasan, ang paksang ito ay pangunahing itinuturo sa masusulong na mga hindi pa nagtatapos ng pag-aaral (undergraduate) at mga nagtapos na ng pag-aaral (graduate) mula sa mga paaralan na pangnegosyo. Hinaharap ito bilang isang paksa ng pagsasama o integrasyon. Iyon ay pinagsasama-sama nito ang maraming mga diwa ng isang malawak na kasamu't sarian ng mga kursong prerekisito (mga kurso na kailangang makuha muna). Sa maraming mga bansa, maaaring makabasa ng isang degri sa Ekonomiks na Pangnegosyo o Business Economics na kadalasang sumasaklaw sa ekonomiks na pampamamahala, ekonomiks na pampananalapi, teoriya ng laro, pagtataya na pangnegosyo (business forecasting) at ekonomiks na pang-industriya.

Mga sanggunian