Ehipto

(Idinirekta mula sa Egypt)

Ang Republikang Arabo ng Ehipto[4], (Arabo: جمهوريّة مصرالعربيّة, Ǧumhuriyat Misr al-ˁArabiyah; internasyunal: Arab Republic of Egypt) karaniwang kilala bilang Ehipto (Arabo: مصر, Misr o Masr sa dyalektong Ehipsiyo; internasyonal: Egypt), ay isang republika sa hilagang-silangang Aprika at maliit na bahagi ng timog-kanlurang Asya.

Republika Arabo ng Ehipto
جمهورية مصر العربية (sa Arabe)
Ǧumhūriyyat Miṣr al-ʿArabiyyah
Watawat ng Ehipto
Watawat
Eskudo ng Ehipto
Eskudo
Awiting Pambansa: 
"Bilady, Bilady, Bilady"
Aking bansa, aking bansa, aking bansa
Location of Ehipto
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Cairo
Wikang opisyalArabo[1] [a]
Pangkat-etniko
99% Ehipto
0.9% Nubiyano
0.1% Griyego
KatawaganTaga-Ehipto
PamahalaanRepublikang Unitaryong semi-presidensyal
Itinatag
• Pormal na Kasanrinlan mula sa Imperyo ng Ottoman
1867
• Wakas ng protektorado ng Britanya
Pebrero 28 1922
• Pagdeklara ng Republika
Hunyo 18 1953
• Araw ng Rebolusyon
Hulyo 23 1952
• Kasalukuyang Konstitusyon
18 Enero 2014
Lawak
• Kabuuan
1,002,450 km2 (387,050 mi kuw) (30th)
• Katubigan (%)
0.632
Populasyon
• Pagtataya sa 28 Marso 2017, Senso
94,798,827
• Senso ng 2006
76,699,427
• Densidad
82.3/km2 (213.2/mi kuw) (120th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2010
• Kabuuan
$496.604 billion[2]
• Bawat kapita
$6,347[2]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2010
• Kabuuan
$215.845 billion[2]
• Bawat kapita
$2,758[2]
Gini (1999–00)34.5
katamtaman
TKP (2010)0.620[3]
katamtaman · ika-101
SalapiEgyptian pound (EGP)
Sona ng orasUTC+2 (EET)
• Tag-init (DST)
UTC+3 (EEST)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+20
Internet TLD.eg, مصر.
^ a. Arabic is the official language;[1] spoken languages & varieties are: Egyptian Arabic, Sa'idi Arabic, Eastern Egyptian Bedawi Arabic, Sudanese Arabic, Domari, Nobiin, Beja & Siwi. Main taught foreign languages are English, French, German & Italian.
^ b.Currently de facto Head of state and Head of government

May sukat na 1,020,000 km², hinahanggan ang Egypt ng Libya sa kanluran, Dagat Mediterraneo sa hilaga, Israel sa hilagang-silangan, Dagat Pula sa silangan, at Sudan sa timog.

Ang mga tagil o piramide ng Giza, tanaw mula sa timog noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Mula sa kaliwa: piramide ng Menkaura, piramide ng Khafra, Dakilang Piramide (ni Khufu).

Ang Ehipto ang pinaka-mataong bansa sa Aprika at sa Gitnang Silangan. Nakatira ang karamihan ng mga 76 milyong katao ng Ehipto sa hindi hihigit sa isang kilometro ang layo mula sa pampang nga Ilog Nile (mga 40,000 km²), kung saan dito lamang matatagpuan ang lupang agrikultural na maaaring mapagtatamnan ng halaman. Ang disyerto ng Sahara ang malalaking bahagi ng lupa nito at madalang lamang ang may nakatira. Ang Agusan ng Suez ay isa sa pinakamahalagang agusan sa pandaigdig na kalakalan at may malaking ambag sa pambansang ekonomiya ng Ehipto.[5] Sa kasalukuyan, nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at Alexandria.

Lubos na kilala ang Ehipto sa kanyang sinaunang kabihasnan at ilang sa mga nakakamanghang lumang bantayog, kabilang ang Mga Piramide ng Giza, ang Templo ng Karnak at ang Lambak ng mga Hari; naglalaman ang katimogang lungsod ng Luxor ng isang malaking bilang ng mga lumang artifact. Ngayon, malawak na itinuturing ang Ehipto bilang isang pangunahing politikal at kultural na sentro ng Arabo at Gitnang Silangang mga rehiyon.

Ang mga Piramide ng Giza.

Mga teritoryong pampangasiwaan

    Tingnan din

    Mga sanggunian

    Wikinews
    May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
    Egypt (sa wikang Ingles)