Begonia noraaunorae

Ang Begonia noraaunorae ay isang endemikong species ng Begonia na matatagpuan sa Surigao del Sur, isla ng Mindanao, sa Pilipinas.[1][1][4] Ang species na ito ay inihambing sa B. negrosensis Elmer, kung saan ito ay hawig sa mga tangkay nitong glabrous o walang buhok , mga dahon na hugis obovate o oblong at may kalat-kalat na mga buhok, ang lamina na may makintab na ibabaw at mapusyaw na berde abaxially o ilalim, ang staminate na bulaklak na may 2 tepal, ang pistillate na bulaklak na mayroong 5 tepal, at ang mga berdeng obaryo.[1][2] Gayunpaman, ang species na ito ay naiiba sa B. negrosensis sa pamamagitan ng mas malalaking dahon nito na may mga nakakalat na mapusyaw na berdeng patse, mas maiikling tangkay, mas malaki, may ngipin na lamina, hugis ng mga tepal ng staminate na bulaklak, at mas mahabang obaryo na walang mga napapailalim na mga bracteole.[1][2] Ang species ay ipinangalan sa Filipinang aktres at Pambansang Alagad ng Sining na si Nora Aunor.[1][2] Ang species ay inuri sa ilalim ng pamantayan ng IUCN Red List bilang Vulnerable.[1][2][3][4]

Begonia noraaunorae
Katayuan ng pagpapanatili

Maaring mawala  (IUCN 3.1)[1][2][3][4]
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian:Plantae
Klado:Tracheophytes
Klado:Angiosperms
Klado:Eudicots
Klado:Rosids
Orden:Cucurbitales
Pamilya:Begoniaceae
Sari:Begonia
Espesye:
B. noraaunorae
Pangalang binomial
Begonia noraaunorae
Blasco, Tandang, Alejandro & Rubite[1][4]
Distribusyon ng Begonia noraaunorae sa Pilipinas (Mindanao).
Cortes, Surigao del Sur is located in Mindanao
Cortes, Surigao del Sur
Cortes, Surigao del Sur
Distribusyon ng B. noraaunorae sa Mindanao (Surigao del Sur).

Penolohiya

Ang species na ito ay namumulaklak at namumunga sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo.[1][2]

Etimolohiya

Ang species na ito ay pinangalanan upang parangalan si Nora Aunor para sa kanyang mga tagumpay sa industriya ng entertainment. Ipinanganak bilang Nora Cabaltera Villamayor, siya ay isang film producer, TV host, aktor, mang-aawit, pilantropo, at may-gawad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Arte sa Brodkast (ang pinakamataas na pambansang pagkilala na ibinibigay sa isang Pilipinong artista).[1][2][3]

Distribusyon at ekolohiya

Ang Begonia noraaunorae ay matatagpuan sa mga batong apog sa mga semi-shaded na broadleaf na kagubatan.[1][2][3] Ang species ay endemiko sa lalawigan ng Surigao del Sur, Caraga Region, sa Silangang bahagi ng Mindanao, sa Pilipinas. Ito ay tumutubo sa taas na 30 metro sa ibabaw ng antas ng dagat sa bayan ng Cortes, Surigao del Sur.[1][4]

Pangalan sa katutubong wika at gamit

Ang species ay kilala sa lokal na pangalan na amampang o bilang amamampang, isang Bisaya at Subanen na termino na nangangahulugang lumalaki sa isang bangin.[1][3] Ayon sa lokal na kaalaman, ang mga dahon ng species ay ginagamit upang gamutin ang ubo. Bukod pa rito, ang mga batang dahon ay nakakain, at ginagamit bilang pampalasa sa pagluluto ng paksiw.[1][2]

Iminungkahing katayuan sa konserbasyon

Ang populasyon ng species na ito ay natagpuan malapit sa highway, at ang koleksyon nito para sa pagkonsumo ay naglalagay nito sa mga aktibidad na antropogeniko. Ito ay kilala lamang mula sa uring lokalidad, na may kabuuang maliliit at matatandang populasyon sa 4 na mga site na wala pang 1000 na indibidwal. Kaya ito ay tinasa bilang Vulnerable ayon sa pamantayan ng IUCN Red List.[1][2][3][4]

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing

Kinuha sa "https:https://www.search.com.vn/wiki/index.php?lang=tl&q=Begonia_noraaunorae&oldid=2100179"
🔥 Top keywords: Unang PahinaNatatangi:MaghanapSakit sa ibaba ng likodGastroenteritisPalarong PambansaImpeksiyon sa daanan ng ihiPamamaga ng lalamunanTuberkulosisPulmonyaMackenzie ShirillaPananakit ng bayagIglesia ni CristoRico YanSingaw (sakit)AlmuranasBalisawsawKatas ng pukeDengueJosé RizalNoli Me Tángere (nobela)Jay ManaloLupang HinirangPamamaga ng mataEat Bulaga!Wikang TagalogPigsaAba Ginoong MariaApendisitisPilipinasAng pagtatangkang pagpatay kay Donald TrumpPadron:Barangay Ginebra San Miguel rosterKategorya:Mga ibon ayon sa karaniwang pangalanBinibining Pilipinas 2024Natatangi:Mga huling binagoGonoreaEl filibusterismoPagdurugo ng ilongIkalawang Digmaang PandaigdigTangkang pagpatay kay Donald Trump