Antonio Trillanes

politikong Filipino at ofisyal ng hukbong-dagat

Si Antonio Trillanes IV (ipinanganak 6 Agosto 1971) ay isang politiko sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng Makati. Naglagay sila ng mga bomba doon at binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng Pilipinas.

Antonio Trillanes IV
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2007 – 30 Hunyo 2019
Pansariling detalye
Ipinanganak
Antonio Fuentes Trillanes IV

(1971-08-06) 6 Agosto 1971 (edad 52)
Caloocan, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaPartido Nacionalista (2012-2015)
Independent (2007–2012; 2015-present)
Magdalo
Ibang ugnayang
pampolitika
Team PNoy (2012-2013)

Genuine Opposition (2007)
AsawaArlene G. Orejana
AnakFrancis Seth (b. 1997)
Thea Estelle (b. 1999)
Alan Andrew (b. 2001, now deceased)[1]
TahananLungsod ng Caloocan
Alma materPhilippine Military Academy
Unibersidad ng Pilipinas
PropesyonMambabatas, Dating tenyente sa Hukbong Dagat[2]
WebsitioOpisyal na website
Serbisyo sa militar
Katapatan Philippines
Sangay/SerbisyoHukbong Dagat ng Pilipinas
Taon sa lingkod1985–2003 (18 taón)
Labanan/DigmaanCPP-NPA-NDF rebellion, Moro Conflict, Oakwood mutiny

Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa puwesto noong 30 Hunyo 2007 habang nakadetine. Noong 29 Nobyembre 2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Dahil dito, kinasuhan ulit siya.[3]

Senador Antonio "Sonny Trillanes

Senado

Si Trillanes ang senador na pinakamaraming naipasang batas sa Pamahalaan habang nanunungkulan. Kabilang sa mahahalagang batas na naipasa ni Trillanes ang AFP Modernization Law; Increase in the Subsistence Allowance of Uniformed Personnel; Salary Standardization Law 3; Increase in the Burial Assistance to Veterans; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Immediate Release of Retirement Benefits of Government Employees; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta for Disabled Persons; Expanded Senior Citizens Act; at Anti-Bullying Act.[4]

Tingnan din

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.