Amorphea

Ang Amorphea[1] ay isang supergrupong taksonomiko na kinabibilangan ng saligang Amoebozoa at Obazoa. Naglalaman ang huli ng pangkat na Opisthokonta, na kinabibilangan ng Halamang-singaw, Hayop at Choanomonada, o mga Choanoflagellate. Ang relasyong taksonomiko ng mga miyembro ng klado na ito ay orihinal na inilarawan at iminungkahi ni Thomas Cavalier-Smith noong 2002.[2][4]

Amorphea
Temporal na saklaw: Maagang Ektasiyano - Kasalukuyan, 1400–0Ma
IchthyosporeaAmoebozoaNucleariidaFungusChoanoflagellateAnimal
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo:Eukaryota
Klado:Amorphea
Adl et al., 2012[1]
Subgroups
  • Obazoa
    • Breviatea
    • Apusomonadida
    • Opisthokonts
      • Holomycota
      • Holozoa
  • Amoebozoa
Kasingkahulugan
  • Unikonta nom. nud.[2]
  • Opimoda Derelle et al., 2015[3]

Ang International Society of Protistologists (Internasyunal na Lipunan ng mga Protistologo), ang kinikilalang katawan para sa taksonomiyang protozoa, ay nagrekomenda noong 2012 na ang terminong Unikont ay palitan ng Amorphea dahil ang pangalang "Unikont" ay batay sa isang sinapomorpiyang hipotetisado na tinanggihan ng mga may-akda ng ISOP at iba pang mga siyentipiko sa kalaunan.[5][6]

Kabilang dito ang amoebozoa, mga opisthokonta,[7][8] at Apusomonada.[9]

Mga pagbabagong taksonomiko sa loob ng pangkat na ito

Iminungkahi ni Thomas Cavalier-Smith ang dalawang bagong pilo: Sulcozoa, na binubuo ng subpilo Apusozoa (Apusomonadida at Breviatea), at Varisulca, na kinabibilangan ng subpilong Diphyllatea, Discocelida, Mantamonadidae, Planomonadida at Rigifilida.[10]

Ang karagdagang ginawa ni Cavalier-Smith ay nagpakita na parapiletiko ang Sulcozoa.[11] Lumilitaw din na parapiletiko ang Apusozoa. Ang Varisulca ay muling tinukoy upang isama ang mga planomonad, Mantamonas at Collodictyon. Isang bagong takson ang nilikha - Glissodiscea - para sa mga planomonad at Mantamonas. Muli, ang bisa ng binagong taksonomiya na ito ay naghihintay ng kumpirmasyon.

Ang amoebozoa ay tila monopiletiko na may dalawang pangunahing sangay: Conosa at Lobosa. Ang Conosa ay nahahati sa inprapilong erobikong Semiconosia (Mycetozoa at Variosea) at anaerobikong Archamoebae ang panglawa. Ganap na binubuo ang Lobosa ng di-plahelong lobose amoebae at nahahati sa dalawang klase: Discosea, na may mga pinatag na selula, at Tubulinea, na higit sa lahat, may hugis-tubong pseudopodia.[12]

Klado

Kasama sa grupo ang mga selulang eukaryotiko na, sa karamihan, ay may iisang lumalabas na plahelo, o mga amoebae na walang plahelo. Kasama sa mga unikon ang mga opisthokonta (mga hayop, fungi, at mga kaugnay na anyo) at Amoebozoa. Sa kabaligtaran, ang iba pang mga kilalang eukaryotikong grupo, na mas madalas ay mayroong dalawang lumilitaw na plahelo (bagaman mayroong maraming mga pagbubukod), ay madalas na tinutukoy bilang mga bikont. Kasama sa mga Bikon ang Archaeplastida (mga halaman at kamag-anak) at subgroupong SAR, ang Cryptista, Haptista, Telonemia at picozoa.

Mga Eukaryote


Ancyromonadida




Malawimonada




CRuMs


Amorphea

Amoebozoa


Obazoa

Breviatea




Apusomonadida


Opisthokonta

Holomycota (kabilang halamang-singaw)



Holozoa (kabilang hayop)









Diphoda


? Metamonada



Discoba



Diaphoretickes


Cryptista


Archaeplastida


Rhodophyta (pulang alga)



Picozoa





Glaucophyta



Viridiplantae (mga halaman)







Hemimastigophora




Provora




Haptista


TSAR

Telonemia


SAR

Rhizaria


Halvaria

Alveolata



Stramenopile













Isang tanaw ng dakilang mga kaharian at ang mga pangkat tangkay.[13][14][15][16] Mahirap ilagay ang Metamonada, na siyang posibleng kapatid sa Discoba, posible sa Malawimonada.[16]

Mga katangian

Ang mga unikont ay may tripleng-gene na pagsasanib na kulang sa mga bikont. Ang tatlong gene na pinagsama-sama sa mga unikont, subalit hindi bakterya o mga bikont, ay kinokodigo ng mga ensima para sa sintesis ng nukleyotidong pirimidina: karbamoyl pospatong sintasa, dihidroorotasa, aspartato karbamoyltransperasa. Ito ang dapat na may kasamang dobleng pagsasanib, isang pambihirang pares ng mga kaganapan, na sumusuporta sa ibinahaging ninuno ng Opisthokonta at Amoebozoa.

Si Cavalier-Smith[17] ay orihinal na iminungkahi na ang mga unikont ay may iisang plahelo at iisang saligang katawan. Malamang na hindi ito, gayunpaman, dahil ang mga naka-plahelong opisthokont, pati na rin ang ilang naka-plahelong Amoebozoa, kabilang ang Breviata, ay aktuwal na mayroong dalawang saligang katawan, tulad ng sa mga tipikal na 'bikont' (kahit isa lang ang naka-plahelo sa karamihan ng mga unikont). Ang ipinares na kaayusan na ito ay makikita rin sa organisasyon ng mga sentriyol sa mga tipikal na selula ng hayop. Sa kabila ng pangalan ng grupo, ang karaniwang ninuno ng lahat ng 'unikont' ay malamang na isang selula na may dalawang saligang katawan.

Mga sanggunian