Amazias

Ikasiyam na Pinuno ng Juda o Walong Hari ng Juda

Si Amazias (pronounced /æməˈz.ə/, Hebrew: אֲמַצְיָהוּ, Modern: ʼĂmaṣyāhū, Tiberian: "Pinalakas ni Yahweh"; Griyego: Αμασίας; Latin: Amasias),[1] ay hari ng Kaharian ng Juda at anak at kahalili ni Jehoash ng Juda. Ang kanyang ina ay si Jehoaddan(2 Hari 14:1-4) at ama ni Uzzias (2 Cronica 26:1). Siya ay naghari sa edad na 25 taon pagkatapos ng asasinasyon ng kanyang ama. Siya ay naghari ng 29 taon (2 Hari 14:2, 2 Cronica 25:1). Siya ay itinuring na isang matuwid na hari ayon sa 2 Hari 14:2 at 2 Cronica 25:2. Siya ay pinuri sa pagpatay lamang sa mga pumaslang sa kanyang ama at hindi isinama ang mga anak nito. Ayon kay Edwin R. Thiele, siya ay naghari mula 797/796 hanggang 768/767 BCE.[2] Ayon sa kronolohiya ni Thiele, siya ay kapwa pinuno ni Uzzias sa kanyang ika-15 taon ng paghahari noong 792/791 BCE nang si Uzzias ay 16 taong gulang.

Amaziah
Guhit ni Amazias ni Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553
Kaharian ng Juda
SinundanJehoash ng Juda
SumunodUzzias
AsawaJecoliah
AnakUzzias
AmaJehoash ng Juda
InaJehoaddan ng Herusalem

Mga sanggunian