Aldan, Rusya

(Idinirekta mula sa Aldan, Russia)

Ang Aldan (Ruso: Алдан, IPA [ɐlˈdan]; Yakut: Алдан) ay isang lungsod na nagmimina ng ginto at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Aldansky ng Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa mga kabundukan ng Aldan, sa limasan ng Ilog Aldan, sa sapà ng Orto-Sala malapit sa bunganga nito sa Ilog Seligdar, sa layong 470 kilometro (290 milya) timog ng kabisera ng republika na Yakutsk. Ang populasyon nito ay 21,275 katao noong 2010.[3]

Aldan

Алдан
Lungsod sa ilalim ng hurisdiksiyon ng distrito[1]
Transkripsyong Iba
 • YakutАлдан
Lokasyon ng Aldan
Map
Aldan is located in Russia
Aldan
Aldan
Lokasyon ng Aldan
Aldan is located in Russia
Aldan
Aldan
Aldan (Russia)
Mga koordinado: 58°37′N 125°25′E / 58.617°N 125.417°E / 58.617; 125.417
BansaRusya
Kasakupang pederalRepublika ng Sakha[1]
Distritong administratiboAldansky District[1]
LungsodAldan[1]
Itinatag1923[2]
Katayuang lungsod mula noong1939
Lawak
 • Kabuuan33 km2 (13 milya kuwadrado)
Taas
650 m (2,130 tal)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[3]
 • Kabuuan21,275
 • Taya 
(2018)[4]
20,595 (−3.2%)
 • Kapal640/km2 (1,700/milya kuwadrado)
 • Kabisera ngAldansky District[1], Lungsod ng Aldan[1]
 • Distritong munisipalAldansky Municipal District[5]
 • Urbanong kapookanAldan Urban Settlement[5]
 • Kabisera ngAldansky Municipal District[6], Aldan Urban Settlement[5]
Sona ng orasUTC+9 ([7])
(Mga) kodigong postal[8]
678900–678902, 678906, 678909
OKTMO ID98603101001

Kasaysayan

Itinatag ito noong 1923[2] bilang Nezametny (Незаме́тный), kasunod ng pagkakatuklas ng mayamang mga deposito ginto. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod kasama ng bagong pangalan nito noong 1939. Itinayo rito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang isang palapagan para sa rutang panghimpapwid ng Alaska-Siberia (ALSIB) na ginamit upang ilulan ang mga sasakyang panghimpapawid ng Programang Lend-Lease ng Amerika patungong Silangang Prontera.[9]

Demograpiya

Historical population
TaonPop.±%
1979 20,173—    
1989 27,090+34.3%
2002 24,715−8.8%
2010 21,275−13.9%
Senso 2010:[3]; Senso 2002:[10]; Senso 1989:[11]; Senso 1979:[12]

Ekonomiya

Nananatiling produktibong sentro ang Aldan para sa pagmimina ng ginto at mika. Malakihang naiwasan nito ang labis na pagbagsak ng populasyon na dinanas ng ibang mga lungsod sa Malayong Silangang Rusya sa mga taong pagkaraan ng pagbuwag ng Unyong Sobyet.

Transportation

Estasyong daangbakal ng Aldan

Matatagpuan ang lungsod sa Lansangang Lena ng A360 na nag-uugnay ng Yakutsk sa Never, gayon din sa hindi pa tapos na daambakal ng Pangunahing linya ng Amur–Yakutsk. Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Aldan.

Klima

Ang Aldan ay may karaniwang klimang subartiko (Köppen Dfc) ng silangang Siberia, bagamat mas-naapektuhan ito ng Karagatang Pasipiko kung ihahambing sa mga pamayanan sa ibabang limasan ng Ilog Lena, kaya nagbibigay ito ng mas-mabigat na pag-ulan tuwing tag-init kaysa karamihang bahagi ng republika, gayon din ang kaunting higit pang pag-ulan ng niyebe at hindi gaanong sukdulan ang mga temperatura kapag taglamig – bagamat napakaginaw parin para sa latitud nito at mas-malamig nang 10 °C or 18 °F kaysa mga pamayanan sa baybaying-dagat ng Okhotsk. Sa kabila ng hindi gaanong sukdulang mga taglamig kung ihahambing sa mas-hilagang mga bahagi ng Sakha, hindi nakararanas ang Aldan ng anumang araw mula Nobyembre 22 hanggang Marso 7 nang may temperaturang hindi nagyeyelo. Bagamat may pagka-banayad ang mga taglamig sa lungsod kung ihahambing sa Yakutsk, mas-malamig at mas-maulap ang mga tag-init kaysa mas-hilagang mga pook.

Malak ng kapanahunan sa Aldan
BuwanEnePebMarAbrMayHunHulAgoSetOktNobDisTaunan
Sukdulang taas °S (°P)−2.5
(27.5)
−1
(30)
9.1
(48.4)
18.8
(65.8)
27.4
(81.3)
34.3
(93.7)
34.4
(93.9)
35.2
(95.4)
25.8
(78.4)
15.8
(60.4)
6.1
(43)
−0.6
(30.9)
35.2
(95.4)
Balasaking taas °S (°P)−21.9
(−7.4)
−18.1
(−0.6)
−9.3
(15.3)
1.0
(33.8)
10.6
(51.1)
20.3
(68.5)
22.6
(72.7)
19.2
(66.6)
9.8
(49.6)
−2.4
(27.7)
−14.6
(5.7)
−21.2
(−6.2)
−0.3
(31.5)
Arawang tamtaman °S (°P)−26.3
(−15.3)
−23.3
(−9.9)
−15.2
(4.6)
−4.2
(24.4)
5.1
(41.2)
13.9
(57)
16.6
(61.9)
13.4
(56.1)
4.9
(40.8)
−6.4
(20.5)
−18.8
(−1.8)
−25.3
(−13.5)
−5.5
(22.1)
Balasaking baba °S (°P)−30.6
(−23.1)
−28.3
(−18.9)
−21.3
(−6.3)
−9.6
(14.7)
0.0
(32)
7.5
(45.5)
10.9
(51.6)
8.1
(46.6)
0.8
(33.4)
−10.4
(13.3)
−23.1
(−9.6)
−29.5
(−21.1)
−10.5
(13.1)
Sukdulang baba °S (°P)−48.7
(−55.7)
−46.3
(−51.3)
−42
(−44)
−31.7
(−25.1)
−16
(3)
−5.9
(21.4)
−0.8
(30.6)
−4.4
(24.1)
−16.1
(3)
−30.3
(−22.5)
−44.9
(−48.8)
−48.3
(−54.9)
−48.7
(−55.7)
Balasaking kadanligan mm (dali)27
(1.06)
24
(0.94)
29
(1.14)
36
(1.42)
71
(2.8)
82
(3.23)
108
(4.25)
105
(4.13)
94
(3.7)
68
(2.68)
42
(1.65)
32
(1.26)
718
(28.27)
Araw ng balasaking pag-ulan000.14161919181840098
Araw ng balasaking pag-niyebe272623191310.030.310262728200
Balasaking halumigmig na matungay (%)78767062616371757677787872
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw661191922102492622762271449373411,952
Sanggunian #1: Pogoda.ru.net[13]
Sanggunian #2: NOAA (sun, 1961–1990)[14]

Mga sanggunian

Talababa

Mga pinagkunan

  • Official website of the Sakha Republic. Registry of the Administrative-Territorial Divisions of the Sakha Republic. Aldansky District Naka-arkibo 2017-04-25 sa Wayback Machine.. (sa Ruso)
  • Padron:RussiaAdmMunRef/sa/munlist0
  • Padron:RussiaAdmMunRef/sa/munlist1

Mga kawing panlabas