Alanis Morissette

Si Alanis Nadine Morissette ( /əˈlɑːns ˌmɒrˈsɛt/ ə-LAH-niss-_-MORR; ipinanganak noong Hunyo 1, 1974) ay isang mang-aawit, manunulat ng kanta, at artistang mamamayan ng Kanada at Estados Unidos.[1] Kilala sa kanyang emosyonal na mesosopranong boses at pagsusulat ng awiting nangungumpisal, sinimulan ni Morissette ang kanyang karera sa Kanada noong unang bahagi ng dekada 1990 na may dalawang dance-pop na album.[2][3][4] Noong 1995, inilabas niya ang Jagged Little Pill, isang album na alternatibong rock na may mga elemento ng post-grunge. Bumenta ito ng higit sa 33 milyong kopya sa buong mundo at ang kanyang pinaka-kritikal na kinikilalang gawa hanggang ngayon.[5][6][7][8] Umani ito ng Gawad Grammy para sa Album ng Taon noong 1996 at ginawan ito ng musikal na rak na may parehong pangalan noong 2017, na umani ng labing-limang mga nominasyon sa Gawad Tony, kabilang ang Pinakamahusay na Musikal. Naitala din ang album sa mga edisyong 2003 at 2020 ng Gabay sa 500 Pinakamahalagang Album sa Lahat ng Panahon.[9] Ang pangunahing single, ang "You Oughta Know", ay napabilang din sa #103 ng 50 Pinakamahalagang Awitin sa Lahat ng Panahon.[10]

Alanis Morissette
Si Morissette nagtatanghal noong 2014
Kapanganakan
Alanis Nadine Morissette

(1974-06-01) 1 Hunyo 1974 (edad 50)
Mamamayan
  • Kanada
  • Estados Unidos
Trabaho
  • Mang-aawit
  • Manunulat ng awitin
  • Aktres
Aktibong taon1986–kasalukuyan
AsawaMario Treadway (k. 2010)
Anak3
Kamag-anak
  • Wade Morissette (kakambal)
Karera sa musika
Genre
Instrumento
  • Boses
  • gitara
  • harmonika
Label
  • MCA Canada
  • Maverick
  • Reprise
  • Warner Bros.
  • Collective Sounds
Websitealanis.com

Mga sanggunian