Enero 22 -- Inatake di-umano ng isang grupo ng mga tao si Vhong Navarro sa loob ng isang condominium unit sa Fort Bonifacio, Taguig.
Enero 25 -- Tinapos ng gobyerno at mga tagapamagitan ng MILF sa Malaysia ang kanilang pakikipag-usap tungkol sa mga detalye ng mga iminungkahing kasunduan sa kapayapaan.
Pebrero 15 -- Sumali ang higit sa 519,221 miyembro ng Iglesia ni Cristo sa "Worldwide Walk For Those Affected by Typhoon Yolanda" na ginanap sa Maynila at sa mga piling lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Naaresto si Delfin Lee, isang negosyante at tagapagtatag, pangulo at tagapamahala ng board ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp., sa isang hotel sa Pampanga, sa kasong syndicated estafa.
Marso 22 -- Inaresto ng pwersa ng kapulisan ang pinuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (Marxista-Leninista) na si Benito Tiamzon at maybahay niyang si Wilma Tiamzon, na nakaupo rin bilang punong kalihim ng Bagong Hukbong Bayan, at 5 higit pang iba sa Aloguinsan, Cebu, ilang araw bago ipagdiwang ng Bagong Hukbong Bayan ang kanilang ika-45 anibersaryo.
Marso 27 -- Nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na isang kasunduan upang wakasan ang kanilang paghihimagsik.[2]
Sinalakay ng binansagang "Martilyo Gang" ang isang jewelry counter sa SM Mall of Asia. Isa sa mga suspek ang naaresto bandang 9ː00 ng gabi, habang anim na iba pa ang nakatakas. Ang insidente ay ang ika-apat sa loob ng apat na taon ng grupo.
Abril 11 -- Lumagda ang Pilipinas at ang Estados Unidos sa isang sampung-taong-kasunduan na kung saan ipagagamit ang hanggang sa limang base militar ng bansa sa mga pwersang militar ng U.S.
Abril 28-29 -- Bumisita ang Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama sa Pilipinas. Sa araw ng kanyang pagdating noong Abril 28, nilagdaan ng dalawang bansa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), isang 10-taong kasunduan na nagbibigay-daan sa mas malaking presensya ng Amerikanong militar sa bansa.
Hunyo 20 -- Inilagay sa pag-iingat ng pulisya si Senador Ramon Revilla, Jr. na sinampahan ng kasong pandarambong dahil sa maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund at pagtanggap ng kickbacks mula sa halagang P224.5 milyon. Sinuspinde sa Senado noong Agosto 4.
Hunyo 23 -- Sumuko sa pulisya si Senador Jinggoy Estrada sinampahan ng kasong pandarambong dahil sa paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund at pagtanggap ng kickbacks mula sa halagang P183.79 milyon. Sinuspinde sa Senado noong Hulyo 14.
Hulyo 3 -- Ikinulong ang dating Pangulo ng Senado na si Juan Ponce Enrile na isa sa mga taong nakatanggap ng kickback mula kay Janet Napoles, na P20 bilyon halaga ng kanyang Priority Development Assistance Fund. Sinuspinde bilang Pangulo ng Senado noong Setyembre 1.
Hulyo 21 -- Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Sentenaryo ng Iglesia ni Cristo. nagsimula ang sanlinggong pagdiriwang ng pagpapasalamat sa seremonya ng pagbubukas ng Philippine Arena, na isang multi-purpose indoor arena ng INC. Bahagi ng Ciudad de Victoria sa Bulacan, ito ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.
Umabot na sa 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas, sa pagkilala ng kapanganakan ng isang sanggol na babae sa isang ospital sa Maynila bilang ika-100 Filipino.
Hulyo 28
Inihatid ni Pangulong Aquino III ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa.
Napatay ang hindi bababa sa 21 katao sa pananambang sa Talipao, Sulu, na isinisisi sa Abu Sayyaf.
Agosto 5 -- Ibinaba ng isang hukuman sa bansa ang sentensiya sa bilangguan ng 6-12 taon para sa 12 kataong Intsik na nahatulan sa kasong iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Setyembre 10 -- Pinangunahan ni Pangulong Aquino III ang pagsauli ng burador ng Bangsamoro Basic Law sa mga pinuno ng Senado at Kongreso sa isang makasaysayang turnover ceremony sa Malacañang.
Setyembre 29 -- Inaprubahan ng Konseho ng Lungsod Quezon ang ordinansang nagbabawal sa diskriminasyon laban sa lesbian, bakla, bisexual at transgender na indibidwal.[11]
Oktubre 2 -- Sinimulan ni Philippine Climate Change Commissioner Naderev "Yeb" Sano ang isang 40-araw na paglalakbay sa pamamagitan ng paglalakad, mula sa Kilometer Zero sa Rizal Park, Maynila, upang gunitain ang anibersaryo ng Super Bagyong Yolanda at upang taasan ang kamalayan sa pagbabago ng klima. Nagtapos ito matapos siyang makarating sa Tacloban, Nobyembre 8.[12]
Oktubre 8 -- Iniharap ni dating Bise Alkade ng Makati Ernesto Mercado sa Senado ang mga larawan mula sa himpapawid ng isang 350-ektaryang lupain sa Rosario, Batangas na umano'y pag-aari ng Bise Presidente na si Jejomar Binay.[13]
Oktubre 11 -- Namatay si Jennifer Laude (Jeffrey Laude), isang transgender woman sa Olongapo. Pinatay siya di-umano ni Private First Class Joseph Scott Pemberton. Tila namatay sa pagkakasakal ang biktima batay sa autopsy report.
Umatras si Pangalawang Pangulo Binay sa debate kay Trillanes, na sana ay gaganapin noong Nobyembre 27 sa Philippine International Convention Center sa Lungsod Pasay. Sinabi niya na handa niyang harapin si Trillanes nguni't hindi sa isang debate, na tungkol sa mga alegasyon sa Pangalawang Pangulo.[14]
Nobyembre 20 -- Natapos na ang kaso ng sunog sa Ozone Disco Club noong 1996 na nagresulta sa pagkahatol sa 7 dating opisyal ng Lungsod Quezon ng paglabag sa Batas Republika 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Hinatulan sila ng Sandiganbayan Fifth Division ng 6 hanggang 10 taong pagkabilanggo. Napawalang-sala naman ang apat na pribadong indibidwal dahil nabigo ang taga-usig na magpakita ng ebidensya laban sa kanila.
Nobyembre 24 -- Nilagdaan ni Panguong Aquino ang Executive Order No. 174 o ang Philippine Gas inventory management and reporting system.[15][16]
Disyembre 4 -- Iniutos ng Court of Appeals ang anim na buwang suspensyon para kay Heneral Alan Purisima dahil sa isang kontrata na iginawad ng Philippine National Police sa isang non-accredited courier service firm para sa paghahatid ng mga lisensya ng baril noong 2011.
Disyembre 10 -- Namatay si Lourdes Hingco Abejuela, isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula Bagacay, Lungsod Ozamiz, sa Kuwait ilang araw matapos magtamo ng mga sugat na kagat mula sa alagang leon ng kanyang employer, na umatake sa kanya.
Disyembre 12 -- Binitay si Carlito Lana, isang Overseas Filipino Worker (OFW) na inakusahan ng pagpatay sa isang Saudi national, sa Saudi Arabia bandang 03:00 ng hapon (lokal na oras), ayon na rin kay Bise Presidente at presidential adviser on OFW Concerns na si Jejomar Binay.
Disyembre 15 -- Sinalakay ng mga opisyal ng pulisya ang New Bilibid Prison complex dahil sa mga ulat ng pamamahala ng mga sindikato ng droga mula sa loob.
Marso 15 -- Volleyball. Nagwagi ang Ateneo Lady Eagles sa UAAP Season 76 Women's Volleyball laban sa DLSU Lady Spikers.
Abril 6 -- Figure skating. Nahanay si Michael Christian Martinez sa 1st place, senior men's division sa Triaglav Trophy International Figure Skating Tournament, na ginanap sa Jesenice, Slovenia.
Abril 12 -- Boxing. Nabawi ni Manny Pacquiao ang WBO welterweight championship belt mula kay Timothy Bradley sa pamamagitan ng pasyang unanimous.
Agosto 24 -- Archery. Nanalo ng gintong medalya si Luis Gabriel Moreno, Pilipinong archer, at ang kanyang kasama sa koponan na si Li Jaiman, isang Intsik, sa mixed international team archery event ng 2014 Summer Youth Olympics sa Nanjing, China.
Setyembre 4 -- Basketball. Nakuha ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang panalo sa FIBA World Cup sa loob ng apat na dekada, laban Senegal sa overtime, 81-79.
Setyembre 14 -- Cheerdance. Kampeon ang National University (NU) Pep Squad sa UAAP Season 77 cheer dance competition (CDC).[17]
Setyembre 23 - Oktubre 1 -- Basketball. Nabigo ang koponan ng Gilas Pilipinas sa 2014 Incheon Asian Games (Natalo laban sa mga koponan ng Iran at South Korea).
Oktubre 1 -- Cycling. Nakakuha ng medalyang ginto si Daniel Patrick Caluag, Filipino-American BMX racer, sa BMX Cycling, sa ika-17 Asian Games 2014[18]
Oktubre 15 -- Basketball. Kampeon ang National University Bulldogs sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 77 kontra FEU Tamaraws.
Nobyembre 23 -- Boxing. Napagwagian ni Manny Pacquiao ang laban kay WBO Light welterweight Champion Chris Algieri sa Macau, sa pamamagitan ng pasyang unanimous.
Disyembre -- Naglabas ng isang pampublikong hamon ang pound-for-pound kingFloyd Mayweather kay Manny Pacquiao tungkol sa kanilang labang mangyayari sa Mayo 2015.
Nakakuha ang Philippine Canoe Kayak Federation Dragon Boat Team ng 5 medalyang ginto, 3 medalyang pilak, at 3 medalyang tanso matapos na makipagkumpitensya sa 2014 ICF Dragon Boat Championships sa Poznan, Poland
Nahanay si Wesley So sa Bilang 2755 sa Live list Ratings at numero 12 sa Federation Internationale des échecs (FIDE)
Nahanay si Michael Christian Martinez sa 10th place overall sa 2014 Skate America, at nakakuha ng medalyang pilak sa 2014 CS Warsaw Cup
Nanalo ng upuan ang Pilipinong rally driver na si Francis Ivan Isada sa Michelin Pilot Sport Experience nang maging kampeon sa kanyang online game na Right 2 Race
Nakakuha si Josie Gabuco ng medalyang ginto sa Philippine National Games 2014 Women’s boxing light flyweight division
Pebrero 9 -- Nagwagi ang pelikulang "Quick Change" ng Critic Jury's Prize sa Vesoul International Film Festival of Asian Cinema sa France.
Pebrero 17 -- Nagwagi ang pelikulang "Rekorder" ng Special Jury Prize at ng Best Music sa ika-31 Annonay International First Film Festival sa France.
Marso 4-9 -- Nagwagi ang pelikulang "Nuwebe" ng Honorable mention para sa Pinakamahusay na Direktor para sa isang Tampok na Sanaysay sa Queens World Film Festival sa Lungsod ng New York, Estados Unidos.
March 16 -- Nagwagi ang pelikulang "Shift" ng Grand Prix award,katumbas ng Best Picture award sa 2014 Osaka Asian Film Festival sa Japan.
Marso 19 -- Unang Pinoy Music Summit
Marso 26 -- MYX Music Awards 2014
Abril 5 -- Ang mga pelikulang "On the Job," "Alagwa," at "Ang Kwento ni Mabuti" ay pinangalanan bilang "pinakapasadong pelikula" sa ika-16 na PASADO Gawad Sining Sine, na binuo ng Pampelikulang Samahan ng Mga Dalubguro
Abril 13 -- Nagwagi ang pelikulang "Debosyon" ng "Honorable Mention-Outstanding International Feature" sa ReelWorld Film Festival sa Toronto, Canada.
Mayo 3 -- Nagwagi ang pelikulang "Mga Kwentong Barbero" ng 3rd place Audience Award sa 2014 Udine Far East Film Festival sa Italy.
Mayo -- Inilantad ang life-size na rebultong fiber glass ni Nora Aunor sa Paoay, Ilocos Norte, kung saan isinapelikula ang "Himala."
Hulyo 11 -- Unang MOR Pinoy Music Awards
Hulyo 26 -- Philippine Popular Music Festival (Philpop)
Agosto 10 -- Nagwagi ang mga pelikulang "Bwaya" ng Best Film para sa kategoryang New Breed, at "Kasal" ng Best Film para sa kategoryang Directors Showcase,sa Cinemalaya 2014.
Disyembre -- Inilunsad ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang kanyang aklat na "Stupid is Forever" na inilathala ng ABS-CBN Publishing, Inc.
Mayo 1 -- Pinangalanan si Enchong Dee bilang Ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa pagdiriwang ng National Heritage Month
Mayo 8-22 -- Itinanpok ng “I am Love Marie”exhibit ang mga paintings ni Heart Evangelista
Mayo 27 -- 344th Anibersaryo ng Pagkatatag ng Lungsod Makati
Hunyo 20-Agosto 31 -- Ikalawang bahagi ng dulang teatro ng Philippine Educational Theater Association na Rak of Aegis
Hunyo 17-22 -- Ikalawang bahagi ng dulang teatrong Stomp
Hunyo 20 -- Pinangalanan ni Pangulong Aquino III ang anim na bagong ipinahayag na National Artists
Alice Reyes (Sayaw)
Francisco Coching (Sining Biswal)
Cirilo Bautista (Panitikan)
Francisco Feliciano (Musika)
Ramon Santos (Musika)
Jose Maria Zaragoza (Arkitektura, Disenyo at Allied Arts).
Nobyembre -- Pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Queenie (Sinlaku), at nagtala ng 5 patay at 9 na nawawala sa Visayas.
Disyembre 6 -- Tinamaan ng Bagyong Ruby, opisyal na tinawag bilang Typhoon Hagupit, ang Kanlurang Visayas, at Silangang Visayas, lumikha ng malawakang pinsala sa Visayas, nagiging sanhi ng pagbaha, at ikinasawi ng higit sa 20 katao.[19]
Labimpitong (17) bagyo ang pumasok sa Pilipinas sa taong 2014ː (Tandaanː Mga bagyo sa Bold ay mga bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at tumama sa saanmang lupain sa bansa.)
Talaan ng mga bagyong tumama sa Philippine Area of Responsibility sa taong 2014
Noong huling bahagi ng Setyembre 2013, inanunsyo na ng pamahalaan ang hindi bababa sa 18 na pagdiriwang sa Pilipinas para sa 2015 tulad ng ipinahayag sa pamamagitan ng bisa ng Proclamation No. 655, serye 2013.[20] Tandaan na sa listahan, mga okasyon sa italiko ay "special non-working holidays," mga nasa bold ay ang "regular holidays," at sa mga nasa di-italiko at di-bold ay ang "espesyal na okasyon para sa mga paaralan."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."
Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
Enero 31 – Bagong Taong Tsino (Ang pangyayaring ito ay idineklara bilang pambansang pagdiriwang sa unang pagkakataon.)
Oktubre 2 – Myrna "Tiya Pusit" Villanueva, komedyante at aktres (Isinilang 1948), multiple organ failure.[25]
Oktubre 10 -- Damiana L. Eugenio, babaeng Pilipinong manunulat at propesorang kilala bilang Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas. (Isinilang Setyembre 27, 1921)
Oktubre 11 – Jennifer Laude, Pilipinong Transgender
Oktubre 30 -- Juan Martin Flavier, politiko, Senador ng Pilipinas (1995 – 2001, 2001 – 2007) at Pangulo ng Senado ng Pilipinas Pro-Tempore (2006-2007). (Isinilang Hunyo 23, 1935)
Nobyembre
Nobyembre 5 -- Elaine Gamboa Cuneta, dating beauty queen, mang-aawit at aktres; ina ni Sharon Cuneta. (isinilang 1934)
Nobyembre 21 -- Vicente Tirona Paterno, Senador ng Pilipinas (1987--1992). (Isinilang Nobyembre 18, 1925)
Disyembre
Disyembre 3 -- Isabelo "Bong" Hilario, car racer.
Disyembre 8 -- Martha Cecilia (Maribeth dela Cruz née Hamoy), manunulat ng mga nobelang Tagalog romance pocketbook. (Isinilang Mayo 13, 1953)