2010 sa Pilipinas

Mga pangyayaring naganap sa taong 2010 sa Pilipinas.

Panunungkulan

Kaganapan

Enero

Pebrero

Mapa ng Lalawigan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng Biñan.
  • Pebrero 2 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng Biñan, Laguna, ang ika-138 na lungsod sa bansa, sa bisa ng Batas Republika Blg. 9740 na naunang nilagdaan ni Pangulong Macapagal-Arroyo noong 2009, na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.[18][19]

Marso

Abril

Mayo

  • Mayo 10 -- Halalan. Ginanap ang pangkalahatang halalan sa Pilipinas, ang kauna-unahang pambansang halalang computerized o automated sa kasaysayan ng bansa. Ginamit dito ang makinang Precinct Count Optical Scan.
  • Mayo 27 -- Tatlong katao ang dinukot umano ng Abu Sayyaf, isang grupong may kaugnayan sa Al-Qaeda, sa katimugang bahagi ng Pilipinas.[42][43]

Hunyo

Benigno Aquino III

Hulyo

Agosto

Ang bus ng 2010 Pagbibihag sa Maynila kung saan namatay ang 8 turista mula Hong Kong.

Setyembre

  • Setyembre 26 -- Krimen. Niyanig ng isang pagsabog ang De La Salle University sa Maynila sa panahon ng huling araw ng 2010 Bar Exams.

Oktubre

  • Oktubre 16 -- Tinamaan ng Bagyong Juan, opisyal na tinawag bilang Typhoon Megi, ang hilagang-silangan Luzon sa Sierra Madre, lumikha ng malawakang pinsala sa Luzon. (Oktubre 18). Ito ang pinakamalakas na bagyo sa taong 2010.
  • Oktubre 25 -- Halalan. Opisyal na ginanap ang sabayang halalang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa Pilipinas.

Nobyembre

  • Nobyembre 23 -- Opisyal na nagbitiw sa tungkulin ang Undersecretary ng Kagawran ng Turismo na si Vicente Romano III, bilang resulta ng kontrobersyal na kampanya sa pagtataguyod ng turismo na tinawag na "Pilipinas Kay Ganda."

Disyembre

  • Disyembre 7 -- Ang Korte Suprema ay bumoto, 10-5, upang ideklara na ang Atas ng Pangulo 1 ni Pangulong Aquino, na lumikha sa Truth Commission, ay labag sa Konstitusyon.[132]
  • Disyembre 14 -- Natapos ang Kaso ng Pamamaslang sa mga Vizconde. Nagresulta sa kalayaan ni Hubert Webb.

Aliwan at Kultura

  • Marso 6 -- Telebisyonː Patimpalak ng Kagandahan sa Pilipinas. Ginanap ang ika-47 Binibining Pilipinas (2010) sa Araneta Coliseum, at isinahimpapawid ng GMA Network. Tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2010 si Maria Venus Raj ng Bato, Camarines Sur. Huling resulta, Binibining Pilipinas 2010ː
    • Bb. Pilipinas-Universe 2010ː # 10 -- Maria Venus Raj (Bato, Camarines Sur). Lumahok sa Miss Universe 2010 at nahanay bilang 4th runner-up (Agosto 23, Estados Unidos).
    • Bb. Pilipinas-World 2010ː # 21 -- Czarina Catherine Gatbonton (Malolos City. Lumahok sa Miss World 2010 (Oktubre 30, Tsina)
    • Bb. Pilipinas-International 2010ː # 11 -- Krista Eileen Kleiner (Manila). Lumahok sa Miss International 2010 at inihanay na Top 15 Finalist (Nobyembre 7, Tsina)
    • Bb. Pilipinas Runners-upː
      • 1st - #22 -- Diane Elaine Necio (Albay)
      • 2nd - #18 -- Helen Nicolette Henson (Pampanga)
  • Abril 24 -- Telebisyonː Patimpalak ng Kagandahan sa Pilipinas. Ginanap ang ika-10 Miss Philippines Earth (2010) sa Manila Ocean Park, Maynila, at isinahimpapawid ng ABS-CBN. Tinanghal na Miss Philippines Earth 2010 si Kris Psyche Resus ng Infanta, Quezon. Huling resulta, Miss Philippines Earth 2010ː
    • Miss Philippines Earth 2010ː Kris Psyche Resus (Infanta). Lumahok sa Miss Earth 2010 (Disyembre 4, Vietnam)
    • Miss Philippines Airː Emmerie Dale Cunanan (Pandan
    • Miss Philippines Waterː Renee Rosario McHugh (USA East Coast)
    • Miss Philippines Fireː Gwennaelle Ruais (France)
    • Miss Philippines Eco Tourismː Angela Lauren Fernando (Lubao)
  • Agosto 28 -- Telebisyonː Patimpalak ng Kagandahan sa Pilipinas. Ginanap ang ika-42 Mutya ng Pilipinas (2010) sa Newport City, Pasay, at isinahimpapawid ng GMA Network. Tinanghal si Carla Jenina Lizardo ng Bicol, na Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010, at si Barbara Salvador ng Pangasinan, na Mutya ng Pilipinas Internationtal 2010. Huling resulta, Mutya ng Pilipinas 2010ː
    • Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010ː Carla Jenina Terina Lizardo (Bicol). Hindi nagawang lumahok sa Miss Intercontinental 2010
    • Mutya ng Pilipinas International 2010ː Barbara dela Rosa Salvador (Pangasinan). Lumahok sa Miss Tourism International 2010 at nahanay bilang 3rd runner-up (Malaysia)
    • Mutya ng Pilipinas Asia Pacific 2010ː Christi Lynn Landrito McGarry (Filipino Community of East Coast, USA). Pinalitan si Carla Jenina Lizardo, lumahok sa Miss Intercontinental 2010 at inihanay na Top 15 semifinalist. (Dominican Republic)
    • Mutya ng Pilipinas Runners-upː
  • Setyembre 30 -- Pelikula. Ginanap ang ika-23 Awit Awards sa SM Mall of Asia sa Pasay. Sina Noel Cabangon at Gloc-9 ay nakatanggap ng pinakamaraming mga parangal na umabot sa apat.
  • Disyembre 25, 2010 - Enero 7, 2011 -- Pelikula. Inilunsad ang ika-36 Metro Manila Film Festival - Philippines (MMFF). Ginanap ang "Gabi Ng Parangal" (Awards Night) noong Disyembre 26. Ang pelikulang "Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!)" ay nakatanggap ng pinakamaraming mga parangal, siyam kasama ang Best Picture.

Palakasan

  • NCAA Season 86 (2010–2011)
  • UAAP Season 73 (2010-2011). Ginanap ang opening ceremonies noong Hulyo 10.
  • 2010–11 PBA Season (ika-36), Ginanap mula Oktubre 3 hanggang Agosto 21, 2011.
  • 7th Season ng Shakey's V-League. Idinaos ang 1st Conference ng liga noong Abril 2010 at ang Second Conference mula Hulyo 11 hanggang huling bahagi ng Setyembre.
  • Disyembre 13-19 -- Lumahok ang Pilipinas sa 2010 Asian Para Games-First Asian Para Games sa Guangzhou, Tsina. Nahanay ang bansa sa ika-21 puwesto.

Sakuna

  • Bagyoː Labing-isang (11) bagyo ang pumasok at tumama sa Pilipinas sa taong 2010ː (Tandaanː Mga bagyo sa Bold ay mga bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at tumama sa saanmang lupain sa bansa.)
Talaan ng mga bagyong tumama sa Philippine Area of Responsibility sa taong 2010
Petsang itinagalUriPangalang PandaigdigPangalang Lokal
Marso 21 - 26Tropical StormOmaisAgaton
Hulyo 11 - 18TyphoonConsonBasyang
Hulyo 17 - 23TyphoonChanthuCaloy
Agosto 3 - 5Tropical Storm(wala)Domeng
Agosto 6 - 12Severe Tropical StormDianmuEster
Agosto 26 - Setyembre 3Severe Tropical StormLionrockFlorita
Agosto 28 - Setyembre 2TyphoonKompasuGlenda
Setyembre 1 - 10Severe Tropical StormMalouHenry
Setyembre 14 - 21TyphoonFanapiInday
Oktubre 12 - 24TyphoonMegiJuan
Oktubre 20 - 30TyphoonChabaKatring
  • Hulyo 23 -- Lindolː Niyanig ng apat na magkakasunod na lindol ang Mindanao.
  • Mula huling bahagi ng Disyembre -- Pagbahaː Naganap ang malawakang pagbaha sa silangang bahagi ng Pilipinas. Unang naiulat ng pagbaha sa probinsya ng Albay at Sorsogon sa Kabikulan.

Mga Paggunita

Mga okasyon sa italiko ay "special holidays ," mga nasa bold ay ang "regular holidays."

Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw. "

Kamatayan

  • Enero 19 -- Cerge Mamites Remonde, isang Pilipinong mamamahayag at kasapi ng gabinete na naging Kalihim ng Pamamahayag. (Isinilang 21 Disyembre 1958)
  • Pebrero 26 -- Oscar Obligacion, artista at komedyante. (Isinilang 21 Enero 1924)
  • Marso 15 -- Emilia Boncodin, dating Kalihim ng Pagbabadyet. (Isinilang Mayo 25, 1954)
  • Abril 12 -- Palito (Reynaldo Alfredo R. Hipolito), aktor at komedyante. (Isinilang Setyembre 4,1934)[135]
  • Abril 22 -- Fred Panopio, mang-aawit. (Isinilang Pebrero 2, 1939)[136]
  • Abril 27 -- Armando Sanchez, dating Gobernador ng lalawigan ng Batangas (2004–2007). (Isinilang Hunyo 15, 1952)
  • Abril 29 -- Jojo Acuin, psychic. (Isinilang 1947)[137]
  • Mayo 3 -- Florencio Campomanes, dating propesor ng agham politikal at ang kauna-unahang Filipino at Asyano na naging pinuno ng International Chess Federation (FIDE) noong 1982. (Isinilang Pebrero 22, 1927)
  • Mayo 17 -- Rafael "Raffy" Puchero Nantes, dating gobernador ng lalawigan ng Quezon (2007-2010). (Isinilang Enero 4, 1957)
  • Hulyo 1 -- Bishop Francisco Claver, S.J., paring Heswita. (Isinilang Enero 20, 1926)
  • Hulyo 22 -- Magnolia Antonino, Senador (1969 - 1972). (Isinilang 14 Disyembre 1915)
  • Hulyo 22 -- Florencio L. Vargas, dating Kinatawan ng Kongreso sa ika-2 Distrito ng lalawigan ng Cagayan (2004–2010). (Isinilang Nobyembre 7, 1931)
  • Hulyo 23 -- Prospero Luna, komedyante at aktor. (Isinilang Abril 20, 1934)
  • Hulyo 25 -- Redford White (Cipriano Cermeño II), komedyante. (Isinilang Disyembre 5, 1955)[138][139]
  • Agosto 8 -- Charlie Davao, aktor at ama ni Ricky Davao. (Isinilang Oktubre 7, 1934)
  • Agosto 21 -- Melody Gersbach, Binibining Pilipinas International 2009. (Isinilang Nobyembre 18, 1985)[140]
  • Oktubre 3 -- Abraham F. Sarmiento, Sr., dating Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. (Isinilang Oktubre 8, 1921)
  • Oktubre 7 -- Demetria "Metring" David, komedyante noong dekada 1960. (Isinilang Hunyo 20, 1920)
  • Nobyembre 15 -- Carmen Ronda, beteranong aktres.[141]
  • Nobyembre 16 -- Wyngard Tracy, beteranong talent manager. (Isinilang Pebrero 7, 1952)
  • Disyembre 26 -- Pablo Gomez, manunulat sa komikspelikula, at telebisyon. (Isinilang Enero 25, 1932)

Mga Panlabas na Kawing

Mga sanggunian