Ang pamatay-sunog o pamatay-apoy[1] (Ingles: fire extinguisher) ay isang kagamitan sa pag-aapula ng apoy tuwing oras ng sakuna. Hindi ito ginagamit sa mas malaking sunog na kinakailangang gamitan ng ibang kagamitan. Madalas itong nakakabit sa pader ng mga gusali sa madaling mahanap na puwesto.
Ang pamatay-apoy na may lamang tubig ay ginagamit para sa mga sunog sanhi ng mga papel, kahoy, uling, goma, at solidong plastik. Hindi ito ginagamit sa sunog mula sa kuryente, bakal, at mantika. Ito ang pinakamurang pamatay-apoy.[2] Ginagamit naman ang tuyong kemikal (dry chemical) sa pag-aapula ng apoy na may uri o class A, B, at C. May mga natatanging tuyong kemikal na ginagamit sa pag-aapula ng class D (bakal).[2]
Sa wikang Ingles, ginagamit ang akronimng PASS upang matandaan ang mga hakbang sa paggamit ng pampatay ng sunog. Ang mga hakbang na ito ay:[2][4]:
Pull (Hilahin) - hilahin ang pin o talasok upang matanggal seal o selyo
Aim (Itututok) - ituro ang hose o diligan sa sunog
Squeeze (Pisilin) - ipitin ang hawakan upang lumabas ang tubig, bula, o tuyong kimikal
Sweep (Iwasiwas) - iwasiwas ang tubig, bula, o tuyong kemikal mula sa kaliwa ng sunog hanggang sa kanan ng sunog at pabalik hanggang sa maapula ang apoy