Unang Pahina
Napiling artikulo
Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan ang hayop na ito sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, iilan na lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya kritikal na nanganganib na ngayon ito. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang ikalawang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa pagkatapos ng kalabaw. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw subalit hindi opisyal. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990. May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis).
Alam ba ninyo ...
- ...na nakabuo ang OpenAI, ang may gawa ng ChatGPT, ng ilang malalaking modelo ng wika na nailabas sa mga open source na modelo dati?
- ... na unang inilagak ang labi ni Jose Rizal sa Liwasang Paco bago ito nailipat sa bahay ng kapatid niyang si Narcisa at kalaunan, sa Liwasang Rizal?
- ... na maaring makuha ang langis ng niyog sa dalawang uri ng proseso: basa o tuyo?
- ... na nakakahawa ang pagtawa, (nakalarawan ang batang tumatawa) at maaaring magdulot ang pagtawa ng isang tao ng pagtawa mula sa iba bilang positibong tugon?
- ... na ang dalawang comune ng Lambak Aosta na kabilang sa I Borghi più belli d'Italia (ang mga pinakamagandang nayon ng Italya) na Bard at Étroubles ay bahagi rin ng Via Francigena?
Napiling larawan
Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana
May-akda ng larawan: A.Savin
Sa araw na ito (Hulyo 9)
- 1654 — Ipinanganak si Emperador Reigen ng Hapon.
- 1863 — Digmaang Sibil ng Estados Unidos: nagsimula ang Paglusob ng Daungang Hudson.
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
47,439 artikulo | 118 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Naglabas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng mga litrato kaugnay sa "mapuwersa, agresibo at barbarikong aksyon" ng Tanod Baybayin ng Tsina noong misyong humanitaryong at muling-pagtustos nila sa BRP Sierra Madre sa Buhanginan ng Ayungin.
- Nagbitiw si Pangalawang Pangulo Sara Duterte (nakalarawan) ng Pilipinas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa kabila ng tensyon namamagitan kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng pamilya ni Sara partikular ang kanyang ama at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
- Inulat ng Human Rights Watch (Pagtatanod sa Karapatng Pantao) na binago ng Tsina ang pangalan ng daan-daang nayong tinitirhan ng mga Uyghur upang isalamin ang namamayaning ideolohiya ng Partido Komunista.
- Nagpasa ang Parlamentong Italyano ng batas na ginagawad ang mas maraming awtonomiya sa mga rehiyon ng Italya kasunod ng isang gabi ng pagtatalo. Nagpahayag ang oposisyong Partido Demokratiko at dating Punong Ministro Matteo Renzi ng pagtutuol sa batas, na naglunsad ang huli ng isang kampanya upang ipuwersa ang isang reperendum.
- Idineklera ng Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng 'emerhensiya sa pambansang demograpiko'.